Ang salawikain o proverbs ay bahagi ng kasabihano saying na nagmula sa mga payo o pahayag ng matatanda ayon sa sarili nilang mga karanasan o nagmula pa sa kanilang mga ninuno.
Ito ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan upang magsilbing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang salawikain ay proverb sa Ingles, habang ang sawikain naman ay slogan.
Ang salawikain ay maaari ring tawaging pilosopiya ng ating bansa, habang ang sawikain ay maaaring mga idyoma.
Ang salawikain ay isang maikling payo tungkol sa isang kaugalian o pagpapahayag ng isang paniniwala na sinasang-ayunan ng karamihan, habang ang sawikain ay isang parirala na hindi agad mauunawaan dahil hindi literal ang ibig sabihin ng mga ito.
Ang mga salawikain sa Pilipinas ay batay sa mga pamumuhay, pilosopiya, karunungan at kalinangan ng mga katutubong Pilipino. Ito rin ay sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino kaya naman maaari rin itong tawaging katuruan o pilosopiya ng Pilipinas. Sinasabi na ang paggamit ng salawikain sa pakikipag-usap ay nangangahulugan na ang nagsasalita ay nagbibigay diin sa isang kaisipan o punto. Bilang mga pananalita ng mga ninuno na naisalin at naipasa ng iba’t ibang henerasyon, nilalarawan ang salawikain bilang isang palamuti sa wika lalo na sa wikang Filipino.
Kadalasan ay naililito ang karamihan sa pagitan ng salawikain at sawikain. Dahil dito, narito ang ilang gabay upang malaman ang kaibahan nito sa isa’t isa.