Ano ang sawikain? Kahulugan at mga halimbawa

0 646

Ang sawikainidiom ay isang salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng talinhaga. Ito ay nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang kaganapan o sitwasyon, bagay, o pangyayari at kusang nabuo at nalinang sa ating wika.

Ginagamit din ang sawikain sa tuwing nagnanais ang isang indibidwal na magpahayag ng kanyang damdamin at ideya.

Mga halimbawa ng sawikain:

Sawikain Ibig sabihin
makapal ang bulsa maraming pera
di makabasag pinggan mahinhin
anak-dalita mahirap
makati ang paa mahilig sa gala o lakad
saling-pusa pansamantalang kasali sa laro o trabaho
takaw-tulog mahilig matulog
mahapdi ang bituka nagugutom
dalawa ang bibig mabunganga o madaldal
makapal ang mukha hindi marunong mahiya
nagbibilang ng poste walang trabaho

Leave A Reply

Your email address will not be published.