Narito ang libreng Worksheet sa Pagbabasa para sa mga guro at maging mga magulang. Kung may komento ay maaaring ilagda sa ibaba.
LUGAW
Isa sa paborito kong meryenda ang Lugaw.
Nagpupunta kami nina Ate Iya at Nanay sa lugawan. Goto ang parating binibili ni Ate Iya. Ang paborito naman ni Nanay ay Arroz Caldo. Paiba-iba naman ang gusto ko.
Ngayon ay simpleng Lugaw lang ang akin.
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
______________ 1. Lugaw | a. oras ng pagkain pagkatapos ng tanghalian at bago ang hapunan |
______________ 2. Arroz Caldo | b. lagi |
______________ 3. meryenda | c. lugaw na may manok at luya |
______________ 4. paborito | d. gustong-gusto |
______________ 5. parati | e. pinakuluang bigas |
Panuto: Ano-ano ang pagkakasunod-sunod ng kwento? Isulat ang bilang 1-4 sa patlang.
______________ paborito ni Nanay ang arroz caldo
______________ simpleng lugaw muna ang binili ko
______________ pumunta kami nina Ate Iya at Nanay sa lugawan
______________ bumili ng Goto si Ate Iya
+1
+1
+1
+1
+1
+1
+1