Narito ang libreng Kailanan ng Pangngalan Worksheet para sa mga guro at maging mga magulang. Kung may komento ay maaaring ilagda sa ibaba.
Panuto: Salungguhitan ang kailanan ng pangngalan sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay isahan, dalawahan, o maramihan.
Halimbawa: Maramihan 1. Masayang nagtatakbuhan ang magpipinsan.
________________________ 1. Magkasabay umuwi ngayong araw sina Jen at Louie.
________________________ 2. Dala ng magkakalaro ang kanilang bisikleta sa parke.
________________________ 3. Walang araw na hindi nag-away ang magkapatid.
________________________ 4. Si Gng. Marquez ang aking bagong guro sa asignaturang Filipino.
________________________ 5. Ang mag-ama ay pupunta ngayon sa Hap Chan upang maghapunan.
________________________ 6. Ang lapis ko ay napudpod na kakatasa.
________________________ 7. Hanggang ngayon ay nalilito pa din ako sa kambal.
________________________ 8. Ang mga tao ay abala sa pamimili para sa Kapaskuhan.
________________________ 9. Mahilig mag-asaran ang magkaibigan.
________________________ 10. Pagod na umuwi si nanay mula sa trabaho.