Ang dula o drama ay isang nakakaaliw na kategorya sa panitikan. Ito ay ginagawa ng iba’t ibang aktor sa entablado sa harap ng madla o di kaya’y sa paraan ng pagiging isang pelikula. Mayroon silang dialogue at kasuotan na nakatutulong para ilarawan ang kanilang karakter. Ang mga pangunahing elemento ng dula na hindi maaaring mawala ay tema, setting, karakter, balangkas o plot, at musika,
Maaari rin itong tawaging stage play o role play sa wikang Ingles.
Mga uri ng dula
Komedya
Ang kuwento ay kadalasang nakabatay sa mga tunay na buhay na mga character, mga nakakatawang karanasan sa buhay, o anumang uri ng sitwasyon na nakapagpapasigla. Ang dramang komedya ay maaari ring sacrcastic. Ito ay karaniwang magaan sa kalooban at may maligayang pagtatapos.
Trahedya
Ang trehedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay. Ang magandang dulang trahedya ay maaaring malalim ang epekto sa mga manonood. Ang mga ito ay bihirang magkaroon ng masayang pagtatapos.
Melodrama
Ang melodrama o soap opera ay labis na nakakapaapekto sa emosyon ng manonood. Ito ay isang pamamaraan upang mas maging nakakaakit ang mga kararkter. Karaniwan nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng mga karakter.
Parsa
Ang parsa o farce ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga pinagrabe at nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay magpatawa ng madla. Kung minsan ay tinatawag din itong saynete.