Sipag o Talino

|

Basahin ang aral na makukuha sa Sipag o Talino:

LAKANDIWA:

Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan.
Buong galang na sa inyo’y bumabati’t nagpupugay.
Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay.
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi’y balagtasan.
Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga.
Pagkat nasasangkot dito’y bayan nating sinisinta.

Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga,
Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga?
Kaya’t inyong lakandiwa ay muling nag-aanyaya
ng dalawang mambibigkas na mahusa’y at kilala.
Ang hiling ko’y, salubungin ng palakpak ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

SIPAG:

Kapag baya’y umunlad. Ang pagko’y pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama’t tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati’y ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya’y urong-sulong.
Kasipaga’y puhunan nating lahat sa gawain,
Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi’t magmamaliw.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.

TALINO:

Akong aba’y inyong lingkod, isinilang na mahirap,
at ni walang kayamanan, maaaring mailantad.
Pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad,
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.
Sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may puhunan
Na kanilang tataglayin, habang sila’y nabubuhay.
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
Nagbibigkis sa damdamin, makayao’t makabayan.

LAKANDIWA:

Matapos maipahayag ang panig ng magtatalo,
Ngayo’y aming ihahanda, tayog ng inyong talino
Bawat isa’y papalaot sa napapanahong isyu
Kaya’t inyong timbangin upang inyong mapagsino.

SIPAG:

Sa tuwing may magaganap na halalan sa’ting bayan,
Sinusuring kandidata, may nagawang kabutihan,
Kung anong kursong natapos ay hindi na inaalam.
Kakayahan n’ya at sipag, tanging pinag-uusapan,
Aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit,
Mga tao’y umaasa, lalo’t sila’y nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait.
Kawawa lang itong bansa, mga luha ang kapalit.

TALINO:

Nalimutan ng kantalo, mga bayaning namatay,
Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan.
Kung di dahil sa talino, taglay nila nung araw,
Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan.
Mga naging presidente o senador at kongresman.
Lahat sila ang talino ay di natin matawaran.
Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan,
pinuhunan ay talino , kaya’t sila’y naging gabay.

SIPAG:

Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa,
Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala.
Utos dito, utos doon, sila’y di gumagawa,
kaya’t laging nababalang kapakanan naming dukha.
Samantalang kung masipag itong mga punong halal,
Sa problema’t kalamidad, sila’y laging naririyan,
Hindi na kailangang tawagin sila kung saan,
Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng kasipagan.

TALINO:

Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,
Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi,
Pag mayroong kalamidad, manloloko’y nariyan lagi,
Kaya’t anong mahalaga, Talino’y ipagbunyi.
Matataas na gusali, Super market, public mall,
Fly overs, sky ways, at ibat-ibang komunikasyon.
Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging puhon,
Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy-tuloy.

SIPAG:

Sipag ang kailangan!

TALINO:

Talino ang puhunan!

SIPAG:

Matalino nga, tamad naman!

TALINO:

Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.

SIPAG:

Sipag!

TALINO:

Talino!

LAKANDIWA:

Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.
Pagtatalo nitong dalwang mahuhusay na makata,
Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.
Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa,
Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Dyos,
Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa’t loob.
Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,

Kaya’t dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.
Ang talino’y siyang utak sa balangkas ng paggawa.
Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa’y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya’t kapwa mahalaga.
Panalo silang kapwa.


Alin ba talaga sa dalawa ang mas mahalaga, sipag o talino?

Ang talino at sipag ay parehong mahalaga kung nais nating bumuti ang estado ng ating buhay. Makabubuti kung matututunan nating i-balance ang dalawang ito sa ating buhay.

Tulad nga ng sabi ni “talino” na “Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag” pinapakita rito na posibleng gamitin ang parehong kaugalian para sa ikabubuti ng sarili.

+1
72
+1
24
+1
22
+1
22
+1
26
+1
16
+1
18

1 thought on “Sipag o Talino”

Comments are closed.

Follow by Email