Sanaysay tungkol sa Pamilya

|

Basahin ang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa pamilya sa ibaba. Isinulat din namin ang aming masasabi sa bawat sanaysay.

Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Ang pagkatao natin ay nakabase sa pagpapalaki ng ating mga pamilya saatin. Sa mga mumunting bahay nagsisimula ang isang uri ng lipunang namamayagpag ang pagmamahal, pag-aaruga, at pagdadamayan. Sa ating mga pamilya natin nakikita ang mga gawain at asal na dapat nating sundin, mahalin, at isapuso—ang mga ito’y katangian na huhubog ng magandang mundo.

Ang sanaysay ay nagpapakita ng pagpapasalamat sa mga pamilyang humubog sa kakayahan at pagkatao ng bawat Pilipino na siyang bumuo sa natatanging kultura’t personalidad ng ating bansa. 

Pamilya, sila yung yaman na di kayang tumbasan ng pera

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Ano nga ba ang tunay na gawain at responsibilidad ng isang pamilya? Ang mga katangian at moralidad na itinuturo ng isang pamilya sa mga miyembro nito ay natatangi sa kanyang pamilya ngunit kung tatanungi’y pareho lamang ang kasagutan ng halos lahat ng mga Pilipino. Ito’y karamay at sandigang maaasahan mong magiging tapat saiyo.

Layunin ng sanaysay na ipakita ang mga mahahalaga’t mabibigat na responsibilidad ng pamilya—proteksyon at seguridad, unang hakbang patungo sa paghubog ng mga pangunahing halaga sa buhay, paghubog sa hinaharap  ng bata, tumutulong sa pagbuo ng isang perpektong lipunan, at higit sa lahat, ay ang protektahan ang mga miyembro nito sa mga masasamang kilos at impluwensiya ng mundo. 

Pamilya

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Pangkalahatang impormasyon na mahalin natin ang ating pamilya nang walang pag-aalinlangan. Ngunit, sa mga panahong hindi makakaligtaan ang tunay na pagkaipit, hanggang kailan at hanggang saan mo kayang protektahan at mahalin ang iyong pamilya? Ang iyong mga magulang?

Pinapaalala ng sanaysay ang mga sakripisyo at walang kapalit na pagmamahal ng iyong mga magulang at pamilya, at kung gaano sila kahalaga sa isang tao.


Ano ang iyong masasabi? I-komento ito sa ibaba.

Kung nais mong magsumite ng sarili mong sanaysay tungkol sa pamilya, maaari mo itong ipasa sa amin dito.

+1
0
+1
2
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email