Sanaysay tungkol sa kalikasan

|

Basahin ang mga halimbawa ng sanaysay sa ibaba. Isinulat din namin ang aming masasabi sa bawat sanaysay.

Inang Kalikasan 

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Walang duda: ang Pilipinas ay isang mayamang bansa. Hindi sa larangan ng pera’t ekonomiya: sa ating likas na yaman at kulturang nahihinuha sa mundo. Ang ating heograpiya’y nabuo sa paraang napakaraming lamang loob at yaman na minsan nga’y hindi pa natin alam kung paano gamitin o kaya’y hindi pa natin nadidiskubre. Ang problema nga lamang, hindi tayo marunong gumamit nito.

Pinakikita ng sanaysay na ang lahat ng magagandang bagay ay hindi tumatagal kung hindi pinipreserba at inaalagaan. 

Luntiang Kalikasan, Meron pa nga ba?

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Hindi man tayo nangunguna sa ekonomiya, lalong lalo na sa teknolohiya, isa naman tayo sa mga may pinakamaganda’t pinakamayabong na likas yaman. Dahil nga rito’y binansagan tayong Pearl of the Orient Seas, diba? Ngunit sa kapabayaa’t pagkamakasarili ng mga gahamang Pilipino, matatawag pa ba nating Pearl of the Orient Seas ang Pilipinas kung ang mga namumuhay rito’y sinisira na ang kariktan nito?

Pinakikiusapan ng sanaysay na magbago ang mga Pilipino at mas pahalagahan ang likas na yamang natatangi sa ating bansa.

Sa Aming mga Kababayan: Isang liham para sa mas luntiang Pilipinas 

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Aminin man o hindi’y may punto sa ating mga buhay na ninais nating malanghap muli ang preskong hangin ng kalikasan, noong ang imbensyong kagimbal gimbal ay ang metal na gumagamit ng apoy na pamplantsa pa lamang. Malungkot man isipin, ngunit sa ginagawang kapabayaan ng mga Pilipino sa pangangalaga ngayo’y malayo ang luntiang paraiso sa mga posibleng kinahihinatnan ng bansa.

Pinapakita ng sanaysay na kung hindi magbabago an gating kilos ay hindi lalago ang ating kapaligiran at bagkus ay mamamatay ng tuluyan. Sa pagdadagdag, pinakikita ng may-akda na higit na makatutulong kung ang lahat ay susunod sa MMK ng kapaligiran: makialam, makilahok, at kumilos. 


Ano ang iyong masasabi? I-komento ito sa ibaba.

Kung nais mong magsumite ng sarili mong sanaysay tungkol sa kalikasan, maaari mo itong ipasa sa amin dito.

+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
2
+1
0
+1
2
Follow by Email