Basahin ang mga halimbawa ng sanaysay sa ibaba. Isinulat din namin ang aming masasabi sa bawat sanaysay.
Kahirapan sa Pilipinas
Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.
Ang kahirapan ay isang talamak na problema ng Pilipinas: nakikita sa bawat eskinita, sa mga mata ng mga palaboy, at sa mga gutom na ekspresyon ng mga bata. Ito marahil ang pinakamatinding sakit ng lipunan ng Pilipinas at ang dahilan kung bakit hindi gaanong umuunlad ang bansa at maya’t maya ang nababalitang krimen. Ano nga ba ang ugat ng kahirapan, at ano ang dinudulot nito?
Pinapahayag ng sanaysay ang mga krimeng naitanim dahil sa kahirapan, at kung paano nito sinisira ang moralidad ng mga tao. Pinapakita rin nito ang mentalidad ng isang mahirap na tao at kung paano ito lalabanan.
Sanaysay tungkol sa kahirapan
Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.
Isa sa mga dulot ng kahirapan ay ang mga kritiko at mapag-alalang mga Pilipino. Nahahati ito sa dalawang panig: ang mga Pilipino’y likas na tamad at walang pakialam sa buhay, at ang gobyerno’y napakabagal at tila ay walang pakialam upang masugpo ang kahirapan. Ang bawat argumento ay may pinanghahawakan at may makabuluhang punto kung kaya’t hindi maikakaila na ang isa’y tama at ang isa’y mali. Ang tanong nga lang; dapat ba talagang magbardagulan?
Nais ipabatid ng sanaysay na mananatili paring dukha ang mga dukha kung mag-aaway at magbabanggaan lamang ang mga ito sa kanilang mga ideya. Mas mabuting ang mga ito’y magtulungan upang mas mapabuti ang bansa.
Ang Sakit ng Lipunan
Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.
Naranasan mo na bang pumunta sa palengke, o sa divisoria na walang nakikitang namamalimos, natutulog sa kalsada, mga batang palaboy, o kaya’y basura?
Ito’y isang napakalaking indikasyon ng kahirapan at kalimitan ng edukasyon at trabaho sa bansa. Minsan ikaw ay naawa at minsa’y naiinis dahil mistulang bulag ang mga ito sa kanilang nanganganib na kinabukasan at ang mga basura’y unti unting nadadagdagan.
Ano ang iyong masasabi? I-komento ito sa ibaba.
Kung nais mong magsumite ng sarili mong sanaysay tungkol sa kahirapan, maaari mo itong ipasa sa amin dito.