Ano ang Panitikan?

|

Ang panitikan literature ay ang pasulat na paghahayag ng kaisipan o damdamin tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pamumuhay, paniniwalang pampulitika, pananampalataya, at pag-uugaling panlipunan. Ang pagsulat ng panitikan ay nagsasanhi ng matagal na gana at pagkawili mula sa mga mambabasa dahil sa anyo, pananaw, at diwang taglay nito.

Ang panitikan ay isang uri ng sining na nakapaloob ang mga akdang may nais ipakita at ipahayag. Maaaring matagpuan sa anyong pasulat, pabigkas, o paaksyon ang panitikan ngunit ito’y may natatanging anyo o porma.

Ito ay nakahango sa salitang “pang-titik-an”, na kung saan ang pang- at ­an- ay ang unlapi’t hulapi at ang titik ay nagkakahulugang literatura. Ang panitika’y sumisimbolo ng maraming damdami’t imahinasyon, ngunit mas kilala ito bilang isang talaan ng buhay—nakapaglalaman ito ng iba’t-ibang masining gawa na puno ng damdamin, opinyon, karanasan, at kasaysayan ng isang partikular na bansa o lugar.

Sa pagdadagdag, ang panitika’y isang paraan ng pagpapahayag ng indibiduwalismo at karanasan ng mga may-akda. Naipapakita sa pamamagitan rito kung malungkot, masaya, nalulugmok, natatakot, o nanlulumo ang may-akda.

Basahin ang iba pang impormasyon kung ano ang panitikan sa ibaba.

Dalawang Uri ng Panitikan

uri-ng-panitikan

May dalawang uri ng panitikan—kathang isip o piksyon at di-kathang isip o di-piksyon.

Piksyon o Kathang-isip (Fiction)

Ang kathang isip o piksyon (nakahango sa salitang latin: fictum, na ibig sabihi’y nilikha) ay isang uri ng panitikang nakahango sa mga karanasan, kaisipan, at kasaysayang hindi makatotohana’t hindi kailanma’y nangyari sa totoong buhay at sa halip ay bunga ng imahinasyon at haka-haka ng tagapagsulat.

Ginagamit ng manunulat ang kanyang imahinasyon upang makasulat ng akdang bungang-isip lamang sa pamamagitan ng paggawa ng sariling mga tauhan, pangyayari, tagpuan, at sakuna.

Di-piksyon o di-kathang-isip (Non-fiction)

Ang di-piksyon o di-kathang isip ay ang kabaliktaran ng piksyon—ito ay ang mga akdang naglalahad, nagsasalaysay, at nagbabahagi ng pangkalahatang katotohanan. Ang tagapagsulat ay bumabatay sa mga tunay na pangyayari at balita, at hindi kailanma’y dadagdagan ng bahid ng imahinasyon o haka-haka.

Sa panitikan namang ito, binabatay ng may-akda ang kanyang pagsulat mula sa ibang tao o tunay na pangyayari tungkol sa isang paksa. Ito ay hindi gawa-gawa lamang, hindi tulad ng piksyon.

Anyo ng Panitikan

Ang panitika’y nakahati sa dalawang anyo: patula at prosa/tuluyan.

Ang patulang panitikan ay karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin at pakiramdam. Ang patula’y pinagsama samang salita para makagawa ng taludtod  na isinusulat nang pasaknong. Ito’y nakakulong sa himig at limitasyon ng pantig at rima na natatag ng may-akda at may suka’t tugma.

Ang prosa o tuluyan nama’y karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng kaalama’t kaisipan. Salungat ng patula, ang prosa ay ang malayang pagdadagdag ng mga salita upang makapagbuo ng katutubong ayos ng pangungusap. Hindi ito nakakulong sa himig at limitasyon ng rima at ito’y nakasulat sa pasaknong na paraan.

Kahalagahan ng Panitikan

Ang kahalagahan ng panitika’y di kadalasang namamataan ng mga mamamayan, lalo na sa pagsibol ng bagong teknolohiya ngunit, hindi ibig sabihin nito’y lumiit ang importansya ng panitikan. Mahalaga ang panitikan sapagka’t ito ay sumisimbolo ng kasarinlan ng mga Pilipino. Ito ri’y nagsisilbing ebidensiya ng yaman ng isip at talino ng ating mga ninuno.

Ang panitikan din ay ang paglalakbay ng mga Pilipino sa pagpapabuti ng kanilang literatura at sining—ito’y nagsisilbing gabay at talaan ng mga gawa ng mga Pilipino nang sa gayo’y maipagbubuti pa ng mga bagong may-akda ang panitikan at sining ng Pilipinas. Parte rin ang panitikan sa kultura nating mga Pilipino, sapagkat nakapaloob nito ang ating patakaran, sining sa digmaan, at pagmamahal sa bayan.

Mga Halimbawa ng Panitikan

halimbawa ng panitikan

Panitikan ng Mindanao

  • Napalipat lipat ang panitikan sa bibig ng mga mamamayan sa Mindanao
  • Kadalasang tema ng awiti’y panliligaw at pagpapakasal
  • Kultura ang paglilipat ng panitikan sa labi bilang isang libangan
  • Kadalasan ay piksyon o pagmamalabis, tula at awitin, o drama
  • May impluwensiya ang mga katutubong namamalagi sa Mindanao

Panitikan sa Panahon ng Hapon

  • Gintong panahon ng panitikang Pilipino
  • Naipasok ang haiku (5-7-5 na taludtod)
  • Naipasok ang tanaga (7-7-7-7 na taludtod)
  • Naipakilala ang konsepto at teorya ng Feminismo
  • Pagbuti ng panitikan sa wikang Filipino sapagkat bawal ang wikang Ingles

Panitikan sa Panahon ng Katutubo

  • Panitikang malaya sa impluwensiya ng kolonyalismo
  • Mga gawaing nakasulat sa alibata/baybayin at Sanskrit
  • Kuwentong bayan, epiko, alamat, kantang bayan, salawikain, kasabihan, atpb.
  • Pangunahing tema ang mga makapangyarihang bayani
  • Impluwensiya ng panitikang Indonesia ng mga pinakaunang nakatapak sa Pilipinas

Panitikan ng Indonesia

  • May dalawang pangunahing uri: oral at nakasulat
  •  Nabubuo ng epiko, pabula, kuwentong bayan, bugtong, alamat
  • Oral na literatura’y karaniwang nagmumula sa mga pari
  • Naimpluwensiyahan ng India at Arab
  • Naimpluwensiyahan ng pulitika at konsepto ng Nasyonalismo
+1
0
+1
2
+1
1
+1
0
+1
0
+1
0
+1
1
Follow by Email