Ang pangngalan o noun sa Ingles ay ang mga salitang pantawag sa tao, hayop, pook, bagay, o pangyayari.
Dalawang uri ng pangngalan
1. Pangngalang pantangi
Ito ang uri ng pangngalan kung saan tumutukoy ito sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, pook, bagay, o pangyayari.
2. Pangngalang pambalana
Ang pambalana ay tumutukoy naman sa di-tiyak na ngalan ng tao, hayop, pook, bagay, o pangyayari.
Mga halimbawa ng pangngalan
Pamabalana |
Pantangi |
sasakyan damit cellphone laptop kainan tsokolate sapatos ulam libro pelikula |
Toyota Bench Samsung Asus Jollibee Toblerone Nike Adobo Harry Potter Titanic |
Pangngalan ayon sa gamit
a. tahas o konkreto
Ito ang pangngalang tumutukoy sa bagay na materyal.
Mga halimbawa: ulam, gunting, baso, telebisyon
b. basal o di-konkreto
Ito ang pangngalang tumutukoy sa hindi materyal kundi sa diwa o kaisipan.
Mga halimbawa: tiwala, katapatan, pangarap, takot
c. lansakan
Ito ay ang pagpapangkat ng mga pangngalan. Ito rin ang kumikilala sa maraming bilang ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari.
Mga halimbawa: tribo, tropa, grupo, lupon, klase, pamilya