Narito ang libreng Panghalip Pananong Worksheet para sa mga guro at maging mga magulang. Kung may komento ay maaaring ilagda sa ibaba.
Panuto: Punan ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng nararapat na panghalip na pananong na nasa kahon.
ANO | SINO | SAAN | BAKIT | KAILAN | PAANO |
1. __________ ang baon mo ngayong araw?
2. Nawawala ang wallet ko. Naalala mo ba kung __________ ko ito nilagay?
3. Isasama ko ang kuya ko sa party mamaya. __________ naman ang isasama mo?
4. __________ kayo namimili ng nanay mo tuwing Linggo?
5. __________ masakit ang ulo mo?
6. __________ mo sinagutan ang tanong sa ikalimang pahina?
7. Balita ko na aalis kayo ni Ben papuntang Davao bukas. __________ kayo babalik?
8. __________ ang may-ari ng kuwadernong ito?
9. __________ ba magluto ng adobong manok?
10. __________ lumilipat ng lugar ang ating mga ninuno noon?
11. __________ matatagpuan ang pinakamahabang tulay sa Pilipnas?
12. __________ ang paborito mong asignatura ngayong taon?
13. Mayroong tatlong kapatid si Pedro. __________ ang pinakamaliit sa kanilang tatlo?
14. Alam mo na ba kung __________ ginagawa ang eroplano?
15. Nasasabik na akong makapiling ang aking ina. __________ ko kaya siya ulit makikita?