Ang liham o letter writing ay ang pagpapalitan ng sulat at mensahe na maaaring maglaman ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa. Kadalasan, ang pagsusulat ng liham ay maaaring para sa sariling kadahilanan na ipapadala sa pamilya, kamag-anak, at kaibigan ng sumulat o kaya naman ay para sa trabaho at marami pang iba.
Mayroong iba’t ibang bahagi na nilalaman ang isang liham at ito ay ang mga sumusunod:
- Pamuhatan – sa bahaging ito nakasaad ang pinagmulan ng liham at ang petsa kung kailan ito isinulat.
24 Sampaguita Street Flower Subdivision
Barangay San Isidro Tondo, Manila Pebrero 20, 2018 |
- Bating Panimula – dito nakasaad ang pangalan ng susulatan. Tatandaan na ito ay nagtatapos sa kuwit ( , ).
Ginang Fe Mercedes,
Mahal kong kaibigan, |
- Katawan ng Liham – sa katawan ng liham nakasaad ang tunay na dahilan ng pagsulat at ang nais iparating ng sumulat.
Magandang umaga Gng. Mercedes. Ako ay sumusulat upang ipaalam ang aking pag-aalala sa mga kondisyon ng libro sa ating silid-aklatan. Napansin ko na maraming mag-aaral ang nais magbasa at humiram ng libro mula sa silid-aklatan ngunit madami sa mga ito ay sira na, kulang ang pahina, o kaya naman ay luma na.
Makakabuti po sana kung ang mga libro sa silid-aklatan ay mapalitan na o kaya naman ay madagdagan pa upang magamit nang mas madaming mga mag-aaral. Sana po ay mabigyan niyo ng pansin ang liham ko na ito. Maraming salamat! |
- Bating Pangwakas – makikita sa bahaging ito ang huling bati ng sumulat. Tulad ng bating panimula, ito ay nagtatapos din sa kuwit (,).
Nagmamahal,
Ang iyong kaibigan, |
- Lagda – dito na nakasaad ang pangalan ng sumulat. Maaaring gamitin na lamang ang unang pangalan o palayaw ng sumulat kung kaibigan o kapamilya naman niya ang pagbibigyan ng liham.
Marla
Carlos Rodriguez |
Halimbawa ng Liham Pagbati
885 Coronado St.
Makati, Metro Manila
Setyembre 6, 1992
Mahal naming Rosa,
Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong nakaraang Linggo ng Wika.
Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo’y ang iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.
Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.
Ang iyong mga kamag-aral,
6-Molave
Halimbawa ng Liham Pagtatanong
Setyembre 30, 2010
Business Loan Officer
Bank of the Philippine Islands
Las Pinas City
Kagalang-galang na Business Loan Officer:
Magandang Araw! Ang layunin ng liham na ito ay para sa stado ng aking negosyo. Ang aking negosyo ay nangangailangan ng 100,000Php – 300,000Php na karagdagang puhunan upang matulungan po itong lumago at mag patuloy na mag serbisyo hangang sa susunod nataon.
Kung mangyari po lamang ay padalhan nyo po ako ng mga importanteng importasyonpara makakuha ng load para sa aking negosyo. At lalo na gusto ko malaman angsistema o paraan ng pagpapautang ninyo sa isang negosyo. Ano ang mga kailanganngpapeles at ang kaparaanan ng pagbabayad.
Kung kailangan pa ng inyong kumpanya ang iba pang detalye ng AIXSHOPAVENUE ay maari ninyo ako ng tawagan upang mabigay ang tamang impormasyon na hinihingi.0927-1234-564 ang aking numero kahit ano mang oras ay maari ninyo akong tawagan.
Lubos na gumagalang,
Bernadette, Bregania C.AIXSHOPAVENUE Ower
Mula kay: Maemae Canata-Bregania
Halimbawa ng Liham Aplikasyon
Oktubre 15, 2008
G. Zoilo Villanueva
Region I General Hospital
Arellano Street,
Dagupan City, Pangasinan
Ginoo:
Nabasa ko po sa Philippine Daily Inquirer na nangangailangan kayo ng isang nars sainyong ospital. Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang hinahanap ninyo para sa nasabing trabahokaya’t gusto ko sanang mag-aplay.
Ako po’y isang dalaga, dalawampu’t siyam na taong gulang, nagtapos ng kolehiyo saColegio de Dagupan noong Marso, 2012 at ako’y isang rehistradong nars. Ako po’y masipag,matiyaga, at magaling mag-alaga ng pasyente kaya’t naniniwala akong medaling gagaling anginyong mga pasyente. Maroon din po akong malusog na pangangatawan, maabilidad po ako atmatalino.Katunaya’y nagtapos po ako sa kolehiyo bilang Magna Cumlaude.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan ppara sa isang panayam, sa oras at petsang nanaisin ninyo.
Lubos na gumagalang,
Niko N. Estaris
Mula sa: ziladoc