add_filter( "rank_math/snippet/rich_snippet_article_entity", function( $entity ) { unset( $entity['dateModified'] ); unset( $entity['datePublished'] ); return $entity; });
Ano ang Kasabihan

Ang kasabihan saying ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng payo o impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng tao.

Kilala rin ito sa tawag na salawikain o proverb dahil ito (salawikian) ay nakapaloob sa kasabihan.

Ito ay maaaring magmula sa mga kilalang tao o kaya naman sa mga kasabihan ng mga ninuno na naipasa mula sa isang henerasyon noon hanggang sa kasalukuyang panahon.

Upang makabuo ng isang kasabihan, kadalasang nagtataglay ito ng ibang ibig sabihin kumpara sa mga simpleng salitang ginagamit nito.

Ang isang maikli at madaling matandaan na pahayag. Sa pangkalahataan ay nag-aalok ito ng karunungan.

Halimbawa ng Kasabihan #1:

  • Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.

Ang pinapahayag dito ay ang ating buhay araw-araw ay nag-iiba. Kung minsa’y tayo’y masaya, minsan nama’y malungkot. May mga araw na masagana ang hapag kainan, kung minsan naman ay simpleng pang hapunan lamang ang laman ng mesa.

Halimbawa ng Kasabihan #2:

  • Ako ang nagbayo, iba ang nagsaing.

Ang ibig sabihin ng salawikain o kasabihan na ito ay maaaring ikaw ang nag trabaho ngunit iba ang nakinabang nito. Kung minsa’y ginagamit din ang: “Ako ang nagluto, iba ang kumain.”

Mga halimbawa ng kasabihan o salawikain

Basahin ang mga halimbawa ng kasabihan sa ibaba. I-komento sa ibaba kung naintindihan mo ang malalim na ibig sabihin ng mga kasabihan na ito.

Kasabihan tungkol sa pag-ibig​

kasabihan-tungkol-sa-pag-ibig
  • Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ng tuloy.
  • Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
  • Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
  • Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
  • Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.
  • Sa kapipili, natatapatan ay bungi.
  • Walang pusong matigas na sa luha’y hindi nabugbog.
  • Ang tunay na pag-ibig hanggang sa dulo’y matamis.
  • Itinutulak ng bibig, kinakabig ng dibdib.
  • Walang matibay na baging sa matiyagang maglambitin.
  • Mag-asawa’y hindi biro, dapat isiping ikasampu.
  • Pangit man ang paninda, matamis naman ang anyaya.

Pinapaalala ng mga kasabihan tungkol sa pag-ibig na may bahid ng pait at kahirapan sa paghahanap at pagpapanatili ng pag-ibig kung kaya’t habang marami ang nagnanais nito’y maliit lamang ang nakahahanap. Tinuturuan tayo nito kung paano mag-isip, ano ang iniisip, ang dapat na iisipin natin patungkol sa pag-ibig.

Kasabihan tungkol sa buhay

kasabihan-tungkol-sa-buhay
  • Batu-bato sa langit, tamaan huwag magagalit.
  • Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
  • Kung hindi ukol, hindi bubukol.
  • Kung ano ang taas ng pagpalipad, sayang lagapak kung bumagsak.
  • Mahirap mamatay ang masamang damo.
  • Ang kalusugan ay kayamanan.
  • Lumipad ka man nang lumipad, sa lupa ka rin babagsak.
  • Ang pinakamabuti ay nakatatagal sa mga pagsubok. 
  • Anumang nagsimula sa init ay magwawakas sa apoy.
  • Ang bakas ng karanasan ang tanda ay kaalaman.
  • Ang karalitaan ay bisperas ng kaginhawaan.
  • Ang sa bula hinahanap, sa bula rin mawawaldas. 

Mahihinuha sa mga kasabihan tungkol sa buhay ang katotohanang hindi perpekto ang mga tao kung kaya’t kahit na nagkakamali, basta lamang natututo sa mga mali, ay isang huwaran. Pinapaalala nito ang kahalagahan ng tiyaga at dedikasyon sa buhay.

Kasabihan tungkol sa kalikasan

kasabihan-tungkol-sa-kalikasan
  • Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
  • Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
  • Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
  • Kapag ang kalikasan ay nilapastangan lalong lalaki ang ating babayaran.
  • Huwag sirain ang ganda ng mundo dahil ang pagtira rito’y isang pribilehiyo.
  • Ang bawat kahoy na puputulin ay may buhay na kikitilin.
  • Ang daing ng Inang Bayan ay hindi kaagad mararanasan.
  • Sa bawat bagyo ay wala tayong masisisisi kung hindi ang ating mga pabayang sarili.
  • Ang pagrespeto sa gawa ng Diyos ay kagitingang pinupuri nang lubos.
  • Maliit man sa iyong paningin, ito ay may buhay rin.
  • Para saan pa ang pag-asa ng kabataan kung pinapatay natin ang kanilang titirhan?
  • Sa lakad ng panahon, lahat ay sumusulong. 

Nais ipahiwatig ng mga kasabihan tungkol sa kaliksan na ito na dapat ay matuto tayong mga tao sa katotohanang hindi pansamantala lamang nating hinihiram ang mundo at hindi kailanman ito ginawa upang sundin at paglingkuran tayo. Kailangan nating matuto na may katapusan lahat ng likas na yaman at lahat ng kasamaan ay binabayaran.

Kasabihan tungkol sa pamilya

kasabihan-tungkol-sa-pamilya
  • Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
  • Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang.
  • Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
  • Ang tunay na karangalan, ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.
  • Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
  • Walang kaibahan ang tama at mali sa magkadugong magkalapit.
  • Nawala man ang may-ari, maipagpapatuloy pa rin ang lahi.
  • Ang pagkatao ng isang tao, ‘di na nalalayo sa kanyang ninuno.
  • Gaano man kalapit ang inyong puso, mas matimbang pa rin ang hatak ng dugo.
  • Kung nag-iisa’y napuputol; kung magkasama’y nabubuhol.
  • Ang katangian ng kabataan, napupulot sa tahanan. 
  • Tahanan at sandalan: kung buhay ito’y mga magulang.
  • Anak ay tuwang kaloob ng langit, sa ama at inang nagpapakasakit.

Pinakikita ng mga kasabihan tungkol sa pamilya ang karakter at ang karaniwang mukha ng isang pamilya sa kulturang Pilipino: napakamapagmahal at napakalapit. Iiwan na tayo’t lahat ay hindi pa rin aalis ang dugo, kung kaya’t dapat lamang na pahalagahan ito.

Kasabihan tungkol sa wika

kasabihan-tungkol-sa-wika
  • Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda.
  • Lahat ng bansa ay may sariling wika. Dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa.
  • Ang wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa.
  • Wika ay kakambal ng kapayapaan sa pagtahak sa tuwid na landas.
  • Ang wikang salamin ng pagka-Pilipino natin, ay siyang nagbubuklod ng layunin, kaya dapat laging gamitin.
  • Bakit pa tumatangkilik sa wikang dayuhan kung tayo ay may wikang pagkakakilanlan?
  • Tunay na huwaran ang mga taong makabayan.
  • Ang kultura ay ‘di kailanman mawawala sa mga plumang nakasulat sa abakada.
  • Ang wika ay hindi lihim; ipagyabong ito’t pagyamanin.
  • Ikahiya man at ‘di gagamitin, ang wika pa rin ang simbolo natin.
  • Walang masamang pluma sa mabait na manleletra.

Adbokasiya ng mga kasabihan tungkol sa wika na ipaabot sa mambabasa na ang wikang pambansa ay ang ating pagkakakilanlan kung kaya’t hindi ito dapat ikahiya o ibaon sa limot. Ang wika ay nabubuhay dahil sa paggamit natin nito, at tayo nama’y nabubuhay sa pagsasalita nito.

Kasabihan tungkol sa edukasyon

  • Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.
  • Ang bawat librong bubuklatin siya’ng maglalayo sa kinabukasang madilim.
  • Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
  • Ang isipan ay lalaki’t tutubo kapag handang matuto.
  • Ang batang palabasa, sa klase nangunguna.
  • Tagumpay ay hindi makakamit kapag ang isip ay nakapikit.
  • Ang pangarap na kotse, bahay, at pera ay sa pag-aaral mapabibisa.
  • Ang edukasyon ang pinakamainam na puhunan upang masiguradong may patutunguhan.
  • Ang sisidlang puno ng yaman ang pipiliin ng pangkalahatan.
  • Kung ang dalawampung taong pag-aaral ay matiis na ginagawa, kasaganaan sa susunod na limapung taon ang tiyak na matatamasa.
  • Ang kaalaman ay hindi nawawala kagaya ng pera’t mukha.

Ang mga kasabihan tungkol sa edukasyon na ito ay pumapatungkol sa iisang tema: ang bigyan ng kahalagahan ang pag-aaral. Sa modernong panahon na kung saan ay pahirapan ang

Kasabihan tungkol sa kabataan

  • Busilak na kalooban, makikita sa kabataan.
  • Inosenteng isipan, madaling mabahiran ng kasamaan.
  • Ang pagpatak ng luha ay puro kapag bata.
  • Ang gawi sa pagkabata dala hanggang pagtanda.
  • Ang mabuting halimbawa pagtuturong pinakamabisa.
  • Tumatanda ang kalabaw, tumutulis din ang sungay.

Ang mga kasabihan tungkol sa kabataan ay nagpapakita ng mensaheng ang pagiging bata ang may pinakamapeligrong parte ng ating buhay: walang kamuwang-muwang at nanghihinuha ng asal base sa kanilang kapaligiran. Ipinaalam nito na na dapat ay bigyan ng tamang gabay ang kabataan sapagkat sila ang magiging tagapagsilbi ng bansa sa hinaharap.

Kasabihan tungkol sa kalusugan

  • Tumatagal ang inaalagaan, namamatay ang pinapabayaan.
  • Ang pinakamaliit na butas ay nakapagpalulubog ng pinakamalaking bapor.
  • Kapag mapag-alaga sa kalusugan, kakagatin ng kamatayan.
  • Kapag hindi inalagaan, kalamitan ay nasasayang.
  • Ang nagsimula sa bisyo ay sa bisyo rin magwawakas.
  • Buhay na ipinahiram, dapat ay alagaan.

Kasabihan tungkol sa kalinisan

  • Pinagmasdan ng langit ang mga gawain ng mababait; banal at malilinis.
  • Nananatiling puti ang puting tela kung agaran itong nilalaba.
  • Makikita sa tahanan ang masahol at hindi.
  • Kaygandang tingnan ang taong walang karumihan.

Pinahihiwatig ng kasabihan ang malaking kaibahan ng pagiging malinis at pagiging marumi ng isang tao, komunidad, at lahi. Pinapaalala nito na dapat ay inaalala ng lahat ang kanilang pagiging busilak sa loob at sa labas ng katawan.

Kasabihan tungkol sa pagkakaisa

  • Sa ginawang pakikiramay itinumbas ay ‘di mapapantayan.
  • Isa-isahin at napuputol, bigkisin at ‘di maiaalis.
  • Tunay na pagkakaisa kapag ang problema ng isa ay problema na rin ng iba.
  • Kung sa iba’y ginawa mo, ibabalik rin saiyo.  

Nais ipahiwatig ng kasabihan ang pagkakaisa’t pagtutulungan ay hindi lamang desisyon ng isang tao kung hindi ng pagkalahatan. Ninanais nitong ipaalala sa atin na dapat maging matulungin at mapagmahal sa kapwa.

Kasabihan ni Jose Rizal

Ipinapakita ng mga kasabihan ni Rizal ang mga kaugalian ng makaluma’t makabagong Pilipino na dapat na alisin upang mas mapabuti ang bansa. Ang lahat ay dapat kritikal at mabusisi sa pagpabubuti ng isang bansa.

Para saan ang mga kasabihan ng mga Pilipino?

Ang kasabihan ng mga Pilipino ay para sa mga makabagong mamamayang Pilipino mula sa mga mga ninunong mas naranasan ang dahas at kamalian sa buhay. Ang mga kasabihan ay natatangi lamang sa mga Pilipino sapagkat ang mga pangaral nito’y nakabuhol sa kultura at kaugaliang Pilipino.

Nakasulat din ito sa matalinhagang paraan upang mas mapabuti ang at mas mapainam ang dunong at kaisipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pag-iisip at pag-unawa sa mga salitang lumalabas ang ibig sabihin sa literal pagkasusulat nito.

Sa pagbubuod, ang kasabihan ng mga Pilipino’y gabay ng mga nakaraang Pilipino sa mga bagong lider at tagapagmana ng Pilipinas, upang masiguradong mapalalaganap pa rin ang tamang asal, matalinong pag-iisip, mainam na gawain, at pagmamahal sa bayan.


Marami sa mga halimbawa ng kasabihan na ito ay orihinal na mula sa manunulat ng Gabay, ang iba nama’y nagmula sa iba’t ibang sources.

+1
52
+1
44
+1
16
+1
21
+1
14
+1
7
+1
4