Anyong Tubig

|

Ang anyong tubig/yamang tubig o body of water ay may iba’t ibang sukat at itsura. Tubig ang sumasakop sa planeta kaya naman marami ang mga klase ng anyong tubig na makikita sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Ang mga anyong tubig ay maaaring sariwa o tubig-alat. Mayroong din namang dumadaloy gaya ng ilog at may iba na hindi gaya ng lawa.

Ang bawat anyong tubig ay may kanya-kanyang ecosystem na may mga nakatirang halaman, hayop, at iba’t ibang organismo.

Halimbawa ng anyong tubig

Karagatan (Ocean)

Ang karagatan ay binubuo ng tubig-asin at sumasakop sa 70% o 2/3 ng mundo.

Ito ang pinakamalaking anyong tubig sa mundo at pangkaraniwang kilala sa hindi pagkakaroon ng hangganan.

Ang lahat ng karagatan ay magkakakonekta bilang isang “World Ocean” ngunit ito ay pinaghiwahiwalay sa pagkakakinlanlan depende sa mga kontinenteng napapaligiran nito upang sila ay mas madaling makilala. 

Narito ang limang karagatan ng mundo mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit:

  • Karagatang Pasipiko / Pacific Ocean
  • Karagatang Atlantiko / Atlantic Ocean
  • Karagatang Indiano / Indian Ocean
  • Karagatang Timog / Southern Ocean
  • Karagatang Artiko / Arctic Ocean

Dagat (Sea)

Ang dagat ay binubuo rin ng tubig-asin. Ito ay malaking anyong tubig na bahagyang napapaligiran ng lupain.

Ito ang ilan sa mga halimbawa ng dagat:

  • Caspian Sea
  • Mediterranean sea
  • Caribbean sea
  • Dagat Timog Tsina / South-China Sea
  • Bering sea
  • Dead sea

Ano ang pinagkaiba ng karagatan at dagat?

  • Mayroon lamang na 5 karagatan at mahigit sa 50 naman ang dagat na nakapalibot sa ating mundo.
  • Ang dagat ay kadalasang mas maliit at mas mababaw kumpara sa karagatan. 

Ilog (River)

Ang ilog o river ay isang natural na yamang tubig na gumagalaw o dumadaloy at kadalasang nanggagaling sa mas mataas na anyong tubig.

May ibang ilog na dumadaloy buong taon at ang iba naman ay active lamang tuwing “wet season”. Ang ibang ilog ay may haba lamang ng ilang kilometro at may iba naman na kasinghaba ng isang kontinente.

Marami sa mga ilog ang dumadaloy patungo sa karagatan o di kaya’y sa mga lawa. Ang tawag sa pagdaloy ng tubig sa mga ilog na ito ay “current‘ sa ingles.

Ang pinakamahabang ilog sa buong mundo ay ang Nile river sa Africa at Amazon River sa South America.

Mga halimbawa ng ilog na anyong tubig sa Pilipinas:

  • Cagayan River
  • Rio Grande de Mindanao
  • Agusan River
  • Pulangi River
  • Pampanga River
  • Ilog Pasig / Pasig River
  • Davao River

Batis o sapa (brook, creek)

Ang batis ang pinakamaliit na anyong tubig. Ito ay isang natural na anyong tubig na matatagpuan sa ibabaw ng lupa. Kung minsan ay tinatawag din itong sapa o creek.

Ang mga batis ay kalimitan ding matatagpuan sa kalagitnaan ng kagubatan. Maaari ring matawag na ilog ang mga mahahabang batis.

Halimbawa ng batis sa Pilipinas:

  • Hinulugang Taktak sa Antipolo Rizal

Kanal (canal)

Ang canal ay mga artificial waterway kung saan dumadaan ang mga transport vehicles o mga bangka at barko.

Ginagamit din ang kanal para sa irrigation o paggawa ng mga patubig para sa agrikultura at paghahanda sa tagtuyot na panahon.

Halimbawa ng kanal:

  • Suez Canal sa Egypt
  • Grand Canal sa Venice, Italy
  • Royal Canal sa Republic of Ireland

Lawa (Lake)

Ang lawa ay isang anyong tubig na napapalibutan ng lupa. Ito ay kadalasang sariwang tubig.

May iba’t ibang hugis at laki ang mga lawa, maaaring ito ay sobrang liit lamang. Ang mga lawa na ganito kaliliit ay tinatawag ding pond sa ingles. Samantalang ang mga labis sa laki naman ay tinatawag na sea o dagat.

Ang Caspian Sea sa Europa at Asya ang pinakamalaking lawa sa buong mundo na may sukat na 370,000sqkm.

Paano nabubuo ang lawa?

  • Nabuo sa pagguho ng ilalim ng lupa
  • Resulta ng pagputok ng mga bulkan
  • Maaaring nanggaling sa mga ilog
  • Resulta ng landslide o mudslide
  • Gawa ng mga tao para maging reservoir o gamitin para sa industrial use. Kung minsa’y para naman sa mga libangan ng tao gaya ng pangingisda at pamamangka

Mga halimbawa ng lawa sa Pilipinas:

  • Laguna Lake
  • Taal Lake
  • Lanao Lake
  • Lake Sebu
  • Caliraya Lake

Golpo (Gulf)

Ang golpo ay malalawak na bahagi ng karagatan na pinapalibutan ng baybayin. Mayroon din itong makitid na bukana.

Ang golpo ay nabubuo gamit ang natural process na tinatawag na “erosion”. Maaari itong mabuo kapag ang isang bahagi ng lupa ay lumubog o di kaya’y nadaganan ng mga pagguho ng higanteng bato.

Ang mga golpo ay kadalasan ding ginagawang shipping areas o daungan ng barko gaya ng Mexico Gulf at Persian Gulf.

Mga halimbawa ng golpo sa Pilipinas:

  • Davao Gulf in the Philippines
  • Golpo ng Lingayen o Lingayen Gulf
  • Golpo ng Leyte

Look (Bay)

Ang look na anyong tubig ay maaaring maihalintulad sa golpo dahil ito ay malawak at napapalibutan din ng baybayin o coastline. Ngunit ang bay ay hindi gaanong nakapaloob sa lupa at mayroon itong mas malapad na lagusan o opening.

Ang mga look ay ginagawa ring daungan ng mga barko at iba pang mga sasakyang pandagat.

Mga halimbawa ng look sa Pilipinas:

  • Laguna de Bay
  • Manila Bay
  • Batangas Bay
  • Honda Bay
  • Tayabas Bay

Bukal (Spring)

Ang mga tubig sa bukal ay kadalasang nanggagaling sa ulan na sinisipsip ng lupa papunta sa mga bato na nasa ilalim ng lupa.

Ang mga batong ito kagaya ng limestone at sandstone na nag-iipon ng tubig na siya ring naglalabas o nag “didischarge” sa tubig palabas sa lupa o di kaya’y deretso rin sa mga ilog at lawa.

Ang ilan sa mga batis ay nabubuo dahil sa pressure sa ilalim ng lupa na sanhi ng volcanic activity. Ang mga tubig na nanggaling dito ay may mas matataas na temperatura na nagiging “hot spring”

Halimbawa ng bukal sa Pilipinas

  • Hot spring sa Tongonan, Leyte
  • Tiwi hot spring sa Albay 
  • Hot spring sa Pansol, Laguna
  • Hibok-hibok hot spring sa Camiguin

Konklusyon

Ilan lang itong mga nakalista sa mga anyong tubig sa Asya at ibang parte ng mundo. 

Kung may nais ka pang malaman tungkol sa anyong tubig sa Pilipinas, huwag mag atubiling mag iwan ng komento sa ibaba.

+1
1
+1
2
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
1
Follow by Email