Ano ang panghalip? Uri, kahulugan, at halimbawa nito.

|

Ang panghalip o pronoun sa Ingles ay salitang ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari.

Uri ng Panghalip:

  1. Panao – ay mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao. Ito ay maaaring mauri sa tatlo:

a. Panauhan – taong tinutukoy ng panghalip. Ito ay maaaring:

  • Unang panauhan – nagsasalita
  • Ikalawang panauhan – kinakausap
  • Ikatlong panauhan – pinag-uusapan

b. Kailanan – dami o bilang ng tinutukoy. Ito ay maaaring isahan, dalawahan, o maramihan.

c. Kaukulan – nagpapakita ng gamit ng panghalip sa pangungusap. Ito ay maaaring:

  • Palagyo – ginagamit ang panghalip bilang simuno. Halimbawa: ako, ikaw, siya
  • Paukol – ginagamit bilang layon ng pang-ukol. Hal: ko, mo, ninyo
  • Paari – nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. Hal: akin, iyo, kaniya
Panauhan/Kailanan Kaukulan
Palagyo Paukol Paari
Isahan
Una ako ko akin
Ikalawa ikaw, ka mo iyo
Ikatlo siya niya kaniya
Dalawahan
Una kami,tayo natin atin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila
Maramihan
Una kami,tayo namin, natin atin, amin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

 

  1. Pamatlig – panghalip na inihahalili sa ngalan ng bagay o lugar na itinuturo. Ito ay nahahati sa dalawa:

a. Panghalip Pamatlig na Pambagay

  • Ito – kung malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo
  • Iyan – kung malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo.
  • Iyon – kung malayo sa nag-uusap ang bagay na itinuturo.

b. Panghalip Pamatlig na Panlunan

  • Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita.
  • Diyan – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa kinakausap.
  • Doon – kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap.
  1. Panaklaw – ito ay tumutukoy sa kaisahan o kalahatan ng mga tinutukoy na tao, bagay, o lugar.

Mga halimbawa: lahat, anuman, alinman, sinuman, isa, lima

  1. Patulad – ito ay kumakatawan sa bagay o pangyayaring pagtutularan o paghahambingan.

Mga halimbawa: ganito, ganiyan, ganoon

  1. Pananong – ito ay panghalip na ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaaring isahan o maramihan.

Mga halimbawa: sino, sino-sino, ano, ano0ano, saan, saan-saan

+1
3
+1
2
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
2
Follow by Email