Ating alamin at intindihin kung ano ang kasaysayan at kahalagahan nito.
Ano ang Kasaysayan?
Malimit na napag-aaralan ang kasaysayan ng mga bagay at pangyayari ngunit hindi napag-aaralan ang kasaysayan ng kasaysayan mismo. Ano ang kasaysayan, at ano ang kahulugan ng kasaysayan?
Nanggagaling sa salitang Griyego na historia na ang ibig sabihin ay inquiry, ang kahulugan ng kasaysayan ay ang pagkasunod sunod na pag-aaral sa nakaraan at kung paano ito nakaaapekto sa kasalukuyang panahon.
Ang kahalagahan ng kasaysayan ay hindi matatawaran sapagkat sa pag-aaral ng kasaysayan, nabibigyan tayo ng kaalaman upang makapaghanda sa hinaharap at makapag-isip ng solusyon sa mga problema.
Mapapasalamatan si Herodotus, ang ama ng kasaysayan, dahil siya ang nagpasimuno sa pagsusulat at pagkokolekta ng mga aktwal at tamang datos ng nakaraan sa masistemang paraan. Tanyag ang kanyang akdang The Histories, na nahahati sa siyam na parte.
Kasaysayan ng Pilipinas
Basahin ang kasaysan ng Pilipinas dito
Kasaysayan ng Daigdig
Ang kasaysayan ng daigdig ay nagsimula apat at limampu’t apat (4.54) bilyong taon na ang nakalilipas, humigit isang-katlo ng edad ng kalawakan. Nabuo ito sa accretion na nanggaling sa solar nebula. Hindi pa kayang bumuhay ng daigdig ng mga nabubuhay na organism hanggang sa mabangga ito ng isang space entity na kasinglaki ng isang planeta. Ito ang ‘di umano’y nagsibol ng buwan.
Lumamig ang daigdig pagkatapos ng salpukan pagkalipas ng maraming taon na naging dahilan ng pagkaroroon ng solid crust at tubig. Hindi nagtagal, ang mga kometang nagagawi sa daigdig ang nagbibigay ng mga elementong elementong noon ay hindi matatagpuan sa daigdig, kagaya ng carbon. Hindi kalauna’y nagkaroon ng buhay ang daigdig.
Noon rin ay hindi bitak ang mga lupain at ito’y isang supercontinent, na tinawag na Pangaea. Nabuo ito dalawang daan at apatnapung milyong taon ang nakalilipas, ngunit bumitak ito at naging konpigurasyon nito ang lugar ng kasalukuyan.
Ang Pangaea ay nahati sa dalawa: ang Laurasia at Gondwanaland. Sa bitak na Laurasia nagsimula ang kasaysayan ng Asya, Silangang Amerika, at Europa, habang sa bitak na Gondwanaland nagsimula ang kasaysayan ng Antarktika, Australia, Timog Amerika, at bahagi ng India.