Kasaysayan ng Pilipinas

|

Ano nga ba ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamumuno ng ibang lahi at presidente? Alamin sa ibaba.

Kasaysayan ng pinakaunang Pilipino

kasaysayan-ng-unang-pilipino
  • Ang kasaysayan ng Pilipinas ay nagsimula sa pagtapak ng mga pinakaunang Pilipino sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na lupa animnapu’t pitong libong (67,000)  taon ang nakalilipas.
  • Ang mga unang Pilipino sa Pilipinas ay ang mga Negrito, Indones, at Malay.
  • Nadagdagan ang mga pinakaunang mga Pilipino pagkaraan ng ilang libong taon sa pagkadiskubre ng transportasyong pandagat.
  • Sa pagrami ng mga mamamaya’y umusbong ang konsepto ng politika, ngunit ang pulo ng hilagang Luzon lamang ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. 
  • Ang konsepto ng politika noon ay ang pagbuo ng pamahalaang balangay/barangay. May naaatas na estado sa lipunan ang bawat mamamayan. Nahahati ito sa tatlong estado:
    • Maharlika—ang mga may dugong bughaw o magkapamilya sa datu at mga aristokrat. Sila’y mga mandirigma na nagbibigay ng serbisyong militar sa datu kapalit ng libreng buwis at pagkilala.
    • Timawa—ang mga normal na mamamayan ng isang balangay: may mga karapatan, nagbabayad ng buwis, nangangalakal, at nakikipagsapalaran.
    • Alipin—nahahati ito sa dalawa: ang mga namamahay at sagigilid. Ang mga namamahay ay ang mga aliping may karapatan na pumili ng kanyang asawa, hindi maaaring ipagbili, at maaaring magkaroon ng ari-arian at bahay. Ang mga sagigilid naman ay ang mga aliping walang kalayaan, hindi maaaring magkaroon ng tirahan at naninirahan lamang sa bahay ng kanilang amo, at isang ari-arian ng kaniyang amo kung kaya’t ang amo ang may kapangyarihang gumuhit ng palad ng isang alipin.
  • Umusbong ang relihiyong Islam sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas sa pamamagitan ng mangangalakal at misyonaryo. Kumalat ito sa Luzon ngunit naging matibay ito sa Mindanao. Tinatag ng mga muslim ang pampulitikang konsepto ng raha at sultan.
  • Maraming anyo ng sining at panitikan ang umusbong sa kapanahunan ng mga unang ninuno. Ang mga halimbawa nito’y mga kwentong bayan, salawikain, epiko, at mga alamat ng Pilipinas.

Kasaysayan ng Pamumuno ng Espanya

pamumuno-ng-espanya
  • Nagsimula ang pagkakaalam ng Espanya sa islang Pilipinas nang matuklasan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas noong ika-16 ng Marso, 1521. Aksidente niya itong nadiskubre sa paghahanap ng ‘spice island’. Bukod sa paghahanap ng spice island, may tatlong rason din kung bakit nagkaroon ng ekspedisyon: God, gold, and glory.
  • Una nilang nakuha ang lungsod ng Cebu, at pinangalanan itong Islas de San Lazaro. 
  • Naging mabuti ang relasyon ni Magellan at ang lider ng pulong iyon na si Raha Humabon. Naganap ang ‘sandugo’, ang ritwal ng pagiging ‘magkapatid sa dugo’. Naimpluwensiyahan rin ni Magellan ang mga mamamayan at ang Raha mismo na maging kristiyano. 
  • Naputol ang mabuting relasyon nang itinuro ni Magellan ang paggalang ng mga kabataan sa mga nakatatanda, isang paniniwalang hindi sinusunod ng mga katutubong Pilipino sapagkat hindi ginagalang ng mga kabataan ang matatandang hindi nakatutulong sa lipunan buhat ng mahinang katawan. Ang rasong ito’y nagdulot ng digmaan na kung saan ay si Magellan ang nagwagi.
  • Nabigo si Magellan sa ikalawang pagsakop, na kung saan ay napatay siya ni Lapu-lapu sa battle of Mactan. Hindi pumayag ang bayan ng Mactan na magpasakop o magpakupkop sa kristiyanismo. 
  • Pagkatapos ng isang dekada, isang ekspedisyon naman ang tumungo ng Pilipinas, na pinamumunuan ni Ruy Lopez de Villalobos. Pinangalanan niya ang Samar at Leyte na Las Islas de Felipinas sa pagpupugay sa hari ng Espanya at ‘di kalauna’y naging pangalan na rin ng buong kapuluan. 
  • Nagsimula lamang ang tunay na pagsakop ng Espanya sa pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi. Tinalo nito ang Raha ng mga rehiyon at itinatag ang Lungsod ng Maynila.
  • Nailagay ng Espanya ang kanilang militar at nakapaghandog ng iba’t-ibang yaman. 
  • Nakuha ng Espanya ang Luzon at Visayas maliban sa mga matatatag na mga Muslim ng Mindanao, isang rason kung bakit ang kasaysayan ng Mindanao ay napupuno ng mga magigiting na pasalin-dilang kwento tungkol sa pagtatanggol sa bayan at relihiyon. Sa katunayan, naimbento ang baril na .45 caliber pistol dahil sa tagal mamatay ng isang Muslim na may tatlong bala sa katawan.
  • Namuno ang mga kastila ng tatlong daan, tatlompu’t tatlong (333) taon na magkaugnay ang relihiyon at estado. 
  • Bumagsak ang kolonyalismo ng Espanya nang sinalakay ng Ingles ang Maynila, ang sentro ng kalakalan. Dahil dito’y naganap ang Treaty of Paris, na nagpukaw ng mga mata ng mga Pilipino sa isang rebolusyon. 
  • Napagkamalan na si Jose Rizal ang pasimuno ng rebolusyon kung kaya’t siya ay pinatawan ng kamatayan. Tanyag ang kanyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na pinag-aaralan sa sekondaryang paaralan sa kasulukuyan.

Kasaysayan ng Pamumuno ng mga Amerikano

Kasaysayan ng Pamumuno ng mga Amerikano
  • Sinakop ng mga Amerikano ang Pilipinas sa prinsipyong inihahanda nito ang Pilipinas para sa malayang pamamahala. 
  • Sa kanilang pagdating ay itinatag ang pamahalaang sibil, ipinatayo ang lokal na pamahalaan, at hudisyal na pamamaraan sa pamamahala. Itinayo rin ang pinakaunang pulisya sa Pilipinas, o ang Philippine Constabulary
  • Sa una ay ayaw ng mga Amerikanong isang Pilipino ang namamahala sa mga bansa. Sa pagiging presidente ni Woodrow Wilson sa Estados Unidos ay nagkaroon din ng kalayaan ang Pilipinas na magkaroon ng Pilipinong presidente. 
  • Ang Pilipinong presidente ay si Manuel L. Quezon, na ang naging pangulo ng panahon ng Komonwelt. Sa malapolitikang salita, habang pinamumunuan ng Pilipino ang bansa, ang mga ugnayang panlabas ay hawak ng Estados Unidos.

Kasaysayan ng Pamumuno ng mga Hapon

Kasaysayan ng Pamumuno ng mga Hapon
  • Sa kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdig ay sinorpresa ng mga Hapon ang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga, sampung oras matapos ang pag-atake sa Pearl Harbor. Sa pamumuno ni Heneral Douglas McArthur, lumikas ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Corregidor at Bataan. 
  • Idineklarang open city ang Maynila upang maiwasan ang pagkawasak nito ngunit sinakop pa rin ito ng mga hapon. Tuluyang bumagsak ang militar ng Pilipinas at sapilitang pinagmartsa ng isang daan at limang (105) kilometro ng mga hapon ang mga bihag. Tinatayang sampung libong (10,000) Pilipino, tatlong daang (300) Pilipino-Instik at isang libo’t dalawang daang (1,200) Amerikano ang nasawi bago pa man sila nakarating sa kanilang destinasyon. 
  • Inayos ng mga Hapon ang konseho ng Estados Unidos sa Pilipinas at idineklara nitong malayang bansa ang Pilipinas. Naihalal na presidente si Jose P. Laurel ngunit ito’y kinagagalit ng mga Pilipino sapagkat ito’y naging ‘tuta’ ng Hapon.
  • Napakamarahas ng mga hapones sa kanilang maikling panahong sinakop ang Pilipinas kung kaya’t napakaraming mamamayan ang sumalungat nito. Pinakatanyag ay ang Hukbong Bayan Laban sa Mga Hapon (HukBaLaHap) at ang Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli. Sa kanilang mga atake’t sa pagdating ni Heneral Douglas McArthur sa Pilipinas ay napigsa ang sundalong Hapon hanggang pormal itong sumuko noong ika-2 araw ng Setyembre 1945. 

Kasaysayan ng Pamumuno ni Ferdinand Marcos

Kasaysayan ng Pamumuno ni Ferdinand Marcos
  • Sa unang termino ni Ferdinand Marcos, napakarami niyang mga napatupad na mga proyekto’t batas. Isa na roon ang pagpapataas ng koleksiyon ng buwis na higit na nakatulong sa pagpapabilis ng pag-unlad ng bansa noong dekada ’70. 
  • Dahil sa kanyang mga nagawa sa unang termino ay naihalal siyang muli bilang isang pangulo sa ikalawang termino, ang naging una at nag-iisang presidente sa Pilipinas na nagkaroon ng higit sa isang termino ng pamamahala. 
  • Ipinatupad ni Ferdinand Marcos ang batas militar sa kadahilanang nawawala na ang respeto ng mga mamamayan at tumataas ang banta ng rebelyon. Pinasara nito ang mga korporasyong may malayang pagpapahayag at itinigil ang ibang karapatan ng mga mamamayan. Pinaaresto rin nito ang mga aktibista’t mga kritikong may impluwensiya: sina Benigno Aquino Jr., Jovito Salonga, at Jose Diokno. 
  • Ang bagong konstitusyong ginawa ng administrasyong Marcos ay nagkaroon ng bisa noong 1973: naging parlamentaryo ang Pilipinas. Ito’y kailangan upang masigurado ang pagkapresidente ni Marcos kahit tapos na ang kanyang pangalawang termino.
  • Tumaas nang pansamantala ang GDP ng Pilipinas sa kanyang kapanahunan ngunit habang tumataas ang halaga ng bansa, tumataas din ang perang ninanakaw ng mga Marcos sa kaban ng bayan. 
  • Napatay si Benigno Aquino Jr. sa NAIA noong 1983, dahilan upang tumaas ang oposisyon at napabalik ang halalan sa 1986. Tumakbo ang biyuda ni Benigno Aquino Jr., si Corazon Aquino, sa pagkapresidente. Natalo ito ni Marcos na may labing anim na milyong boto.
  • Tinanggihan ni Corazon Aquino ang resulta ng boto at humingi ng ulit na pagbibilang ng boto. Napag-alaman ang pagdaya ng resulta sa halalan. Napatalsik si Marcos sa pagkapresidente sa isang mapayapang demonstrasyon, na tinatawag na EDSA Revolution. Binago ni Corazon Aquino ang konstitusyon ng Pilipinas nang siya ang umupo bilang presidente.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

+1
1
+1
3
+1
1
+1
1
+1
1
+1
0
+1
1
Follow by Email