Tula tungkol sa pangarap

0 1,050

Isang Pangarap

Isang pangarap ang nais kong makamit

Kahit ang pag-asang maabot ay kay liit

Sa mga kislap ng tala ako ay nakatingin

Hinihiling na sana ang pangarap ko ay dinggin

 

Parang gabing madilim ang paligid ko

Na nabubulag sa paghihrap at daing ng tao

Kaya ang tanging pangarap ko

Maging doktor upang hilumin ang kirot sa mundo

 

Mali bang mangarap ang musmos na gaya ko

At nagsisikap maabot ang mithiin ko

Na ang layunin ay makatulong sa kapwa

Lalung-lalo na sa aking pamilya

 

Isang pangarap na may mukha ng ligaya

Tamis ng ginhawa at mga taong masaya

Sa pamamagitan ng hiling kong ito

Nawa’y matupad ang pangarap ko

 

Mula kay: thefrustratedwriter

Leave A Reply

Your email address will not be published.