Tula para sa ina

0 410

Nanay (free verse)

Marahil ang linyang ilaw ng tahanan ay gasgas na
Ngunit sadyang walang makapagbabago ng katagang ito
Ang ating mga ina ang puso at sentro ng pamilya
Init ng kanilang pagmamahal ay hinding hindi mapapantayan

Mga pangaral ay walang tigil upang anak ay lumaking tama at marangal
Nang sa gayon ay maging handa sa araw na tayo’y tumanda
Inay, mahal na mahal kita
Nawa’y patuloy kang magsilbing ilaw ng aming puso habambuhay

Mula kay: Francesca Marie

You might also like
Loading...