Ang sawikain o idiom ay isang salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng talinhaga. Ito ay nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang kaganapan o sitwasyon, bagay, o pangyayari at kusang nabuo at nalinang sa ating wika.
Ginagamit din ang sawikain sa tuwing nagnanais ang isang indibidwal na magpahayag ng kanyang damdamin at ideya.
Mga halimbawa ng sawikain:
| Sawikain | Ibig sabihin |
| makapal ang bulsa | maraming pera |
| di makabasag pinggan | mahinhin |
| anak-dalita | mahirap |
| makati ang paa | mahilig sa gala o lakad |
| saling-pusa | pansamantalang kasali sa laro o trabaho |
| takaw-tulog | mahilig matulog |
| mahapdi ang bituka | nagugutom |
| dalawa ang bibig | mabunganga o madaldal |
| makapal ang mukha | hindi marunong mahiya |
| nagbibilang ng poste | walang trabaho |
+1
4
+1
+1
+1
+1
+1
+1


