Parabula ng Mabuting Samaritano

|

Isang araw, isang dalubhasa sa batas ang tumayo upang subukin si Jesus.

“Guro,” siya nagtanong, “ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?”

At sinabi niya, Ano ang nasusulat sa kautusan? “Paano mo binabasa ito?”

Sumagot siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo. at, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’

“Sumagot si Jesus, “Sumagot ka nang wasto. “Gawin mo ito at mabubuhay ka.”

Datapuwa’t ibig niyang patotohanan ang kaniyang sarili, ay tinanong niya si Jesus,

“At sino ang aking kapuwa?”

Sinabi ni Jesus: “Ang isang tao ay bumababa mula sa Jerusalem patungo sa Jerico, nang siya’y sinalakay ng mga tulisan. Kinuha nila ang kanyang mga damit, binugbog at iniwang halos patay na.

Isang pari ang lumulusong sa daan ding iyon at nang makita niya ang lalaki, ay pumunta sa kabilang daan. Gayon din ang isang Levita, nang siya’y dumating sa dakong yaon at nakita ang lalaki, ay dumaan sa kabilang dako.

Nang may dumaang Samaritano at siya’y makita niya, ay naawa siya rito. Lumapit siya at ibinalot ang kanyang mga sugat, at binuhusan ng langis at alak. Pagkatapos ay inilagay niya ang lalaki sa kanyang sariling asno (donkey), dinala siya sa isang tuluyan at inalagaan siya. Nang kinabukasan ay kumuha siya ng dalawang denarii at ibinigay sa tagapangasiwa ng bahay-tuluyan.

“Bantayan mo siya,” sabi niya, “at kapag bumalik ako, ibabalik ko sa iyo ang anumang dagdag na gastusin.”

Sino sa tatlong ito sa palagay mo ang isang kapuwa sa taong nahulog sa mga kamay ng mga tulisan?

Sumagot ang dalubhasa sa kautusan, “Ang may habag sa kaniya.”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka at gawin din ang gayon.”

+1
0
+1
1
+1
0
+1
0
+1
0
+1
1
+1
0
Follow by Email