Parabula ng dakilang kaibigan

0 0
Dalawang magkaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi dila uurong. Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya at lumapit siya sa kanilang kapitan upang magpaalam ngunit hindi ito pinayagan.
Nang gumabi ay tumakas siya sa kanilang kampo upang balikan ang kaniyang kaibigan. Nang magbalik si Arman sa kanilang kampo ay sugatan siya at galit siyang sinalubong ng kanilang kapitan.
“Sabi ko sa iyo na patay na ang iyong kaibigan.A no ang halaga ng ginawa mo, sabihin mo nga?” wika ng kapitan.
“Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya nalagutan ng hininga naibulong niya pa sa akin na: “Utol alam kong babalikan mo ako, maraming salamat dahil ikaw ang aking naging matalik na kaibigan”
Napahiya ang kapitan sa tinuran ni Arman. Hindi na siya nakipagtalo dito at pinagamot na lamang si Arman. Siya ay naglakad-lakad. Hindi siya makatulog dahil naisip niya ang dating kaibigan na hindi niya na nabalikan noong sila ay umurong sa labanan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.