Ang pamahiin o superstition ay isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi batay sa dahilan at walang pang-agham o siyentipikong katotohanan. Gayunpaman, ang mga pamahiin ng mga matatanda ay nagagawang impluwensiyahan ang pag-uugali ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraan.
Upang maintindihang mabuti, maaari lamang na basahin ang iba’t ibang halimbawa. Narito ang mga halimbawa ng mga pamahiin ng mga Pilipino na mababasa sa ibaba:
Tandaan na ang mga pamahiing ito ay hindi kailangang sundin o paniwalaan. Ang mga ito ay wari’y sabi-sabi lamang ng matatanda kung kaya’t basahin ng may pag iingat.
Pamahiin sa Bagong Taon
- Sa eksaktong alas dose ng bagong taon ay lumundag ng tatlong beses para tumangkad.
- Magkakaroon ng suwerte kapag lalaki ang unang nakasalubong sa araw ng bagong taon.
- Huwag gastusin ang perang papasok sa bagong taon.
- Tiyaking puno ang mga lalagyan ng bigas at asin sa paglipat ng bagong taon upang maging masagana ang darating na taon.
- Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito.
- Magsiga eksaktong alas dose nang paglilipat ng taon upang itaboy ang masasamang espiritu.
Magsuot ng mga damit na masaya ang kulay at may mga disensyong bilog sa pagsalubong sa bagong taon para suwertihin. - Para maging masagana ang buhay, maglagay ng isang dosenang bilog na mga prutas sa mesa sa pagsalubong sa bagong taon.
- Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa buong taon.
- Buksan ang mga pinto at mga bintana sa pagpasok ng bagong taon para pumasok ang mga biyaya.
- Bawal maligo sa araw ng bagong taon.
- Kapag malungkot sa araw ng bagong taon ay magiging malungkot sa buong taon.
- Magdadala ng suwerte kapag bumati ng “Happy New Year” sa bawat masalubong sa araw ng bagong taon.
- Magpaputok ng malalakas sa bagong taon upang itaboy ang malas.
Pamahiin Sa Bahay
- Hindi sinusuwerte ang bahay na ang hindi nakaharap sa kalye.
- Kapag magpapagawa ng bahay, ilagay ang pinto sa gawing silangan para masikatan ng araw, sa gayon ay maghahatid iyon ng suwerte sa mga nakatira doon.
- Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika- ng anumang buwan.
- Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.
- Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maglayas.
- Sa babaeng may asawa, kailangang kanang paa palagi ang unang ihakbang tuwing uuwi ng bahay upang hindi masira ang kanilang pagsasama.
- Kapag mayroong rocking chair sa inyong bahay, iwasang iwanan ito nang umuugoy sapagkat malamang sa sakyan ito ng masamang espiritu.
Pamahiin sa Kasal
- Ang sinumang babeng sumunod sa dinaanan ng bagong kasal habang papasok sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
- Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na mag-aasawa.
Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa bagong kasal. - Kailangang maglagay ng bulsikot ng pera ang babaing ikakasal sa damit para laging may pera.
- Bigas at asin ang unang dapat na ipasok ng mga bagong kasal sa titirhan nilang bahay.
- Buwenas para sa ikinakasal kapag umulan sapagkat nangangahulugan ito ng kasaganaan sa kanilang pagsasama.
- Kapag naunang tumayo ang babaeng ikinasal mula sa pagkakaluhod sa seremonya ng kasal ay magiging dominante itoKabaligtaran naman kapag ang lalaki ang nauna.
- Kailangang apakan ng babaeng ikinakasal ang paa ng lalaki habang papunta sa altar upang siya ang maging dominante sa kanilang pagsasama.
- Kailangang ihatid ng banda ang mga bagong kasal para itaboy ang masamang pangitain sa kanilang pagsasama.
- Kailangang iwasan ng mga ikakasal ang magbiyahe ng malayo dahil malapit sila sa disgrasya.
- Kapag ayaw magsindi ang kandila ng sinuman sa ikinakasal, malamang na hindi magtagumpay ang pagsasama ng dalawa.
- Kapag namatay ang isa sa mga kandila ng mga ikinasal, ibig sabihing isa sa kanila ang unang mamatay.
Bubuwenasin sa buhay ang sinumang bagong kasal kapag ang kanilang alagang inahing manok ay putak nang putak. - Magkakahiwalay ang ikinasal kapag naghiwalay ang mga kalapati na pinalipad nila.
Magpakasal makaraan ang babang luksa para huwag malasin. - Kailangang apakan ng babaeng ikinakasal ang paa ng lalaki habang papunta sa altar upang siya ang maging dominante sa kanilang pagsasama.
- Dapat unahan ng lalaki sa paglabas ng simbahan ang babae para hindi maging ander de saya.
- Masama para sa magkapatid ang parehong magpakasal sa loob ng iisang taon.
- Pagpapahatid ng lalaking ikakasal ng puso ng baboy, baka o kalabaw sa bahay ng babaing ikakasal upang ihayag ang katapatan ng pagmamahal.
- Pakainin ng matamis ang bagong kasal upang maging matamis din ang kanilang pagsasama.
- Para sa bagong kasal, ang sinumang maunang gumasta matapos ang kasal ang siyang magiging dominante sa kanilang pagsasama.
- Sinasabuyan ng bigas ang mga bagong kasal para maging masagana ang kanilang buhay.
- Sinasabuyan ng bulaklak ang mga bagong kasal bilang tanda ng kanilang pag-iibigan.
- Malas ang magpakasal ng sukob sa taon.
- Tiyakin ang magandang pagsasama sa pamamagitan ng pagsusuklay ng buhok ng bawat isa matapos ang seremonya ng kasal.
Pamahiin sa Buntis
- Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng tiyan ng isang buntis, siya ay magkakaanak ng babae. Kabaligtaran naman kapag sa kanan.
- Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag ang isang maybahay ay buntis dahil tiyak na mahihirapan itong manganak.
- Ang isang punong kahoy na maraming bunga ay malalanta at titigil sa pamumunga kapag ang bunga nito ay napaglihian ng isang buntisKailangang ihian ng kanyang asawa ang puno upang bumalik ito sa dating sigla.
- Ang sinumang lalaki ay maglilihi kapag nahakbangan ng kanyang asawang naglilihi.
- Kapag pinagtawanan ng isang buntis ang isang taong may kapansanan, ang kanyang magiging anak ay magkakaroon din ng ganoong kapansanan.
- Kailangang gumapang pababa ng hagdan ang isang lalaki na nahihirapan sa panganganak ang asawa upang mapadali ang pagsisilang.
- Kapag buntis ang babae lalo at nakatira sa malalayong baryo ay kailangang mag-ingat sa tiktik.
- Kapag pinalo ng buntis ang isang hayop ay ganoon din ang magiging mukha ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.
- Kapag mayroong nagaganap na eklipse, kailangang magsilabas ng bahay ang mga buntis upang hindi maging abnormal ang kanilang magiging anak.
- Paglihihan ang mga taong magaganda at gwapo para maging maganda at gwapo rin ang isisilang na anak.
- Kung mayroon kang kasambahay na buntis, masama ang pumatay ng tuko sapagkat malamang na mamatay rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
- Kapag ngumiyaw ang pusa sa harap ng isang bahay, may babaing buntis sa bahay na iyon.
- Masama sa isang buntis ang maupo sa hagdan ng bahay.
- Ang babaeng buntis na mahilig kumain ng kambal na saging ay mag-aanak ng kambal na sanggol.
- Bawal tumambay sa pintuan ang bisita ng buntis. Sa halip ay agad na pumasok sa loob ng bahay ang bisita upang hindi mahirapang manganak ang buntis.
Pamahiin sa Patay, Burol, o Libing
- Iwasang mauntog ang kabaong kapag inilalabas ng bahay para hindi mahirapan ang kaluluwa ng namatay.
- May namatay na mahal sa buhay pag nakaamoy ng kandila o bulaklak.
- Bawal magpatay ng manok kung hindi pa nakakapagbabang luksa.
- Hindi dapat magwalis kapag may patay sa bahay.
- Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatidKasi daw bakadaw magsunod sunod ang patay sa pamilya
- Huwag kumanta habang nasa harap ng kalan dahil maagang mamamatay ang mapapangasawa.
- Laging dalhin ang kabaong palabas ng bahay, simbahan o punenarya una ang ulunanMaiiwasannito ang pagbabalik ng kaluluwa ng namatay.
- Huwag matutulog na paharap sa pinto dahil hihilahin ni kamatayan.
- Bawal magpapakuha ng larawan na tatlo lamang dahil mamamatay ang nasa gitna.
- Kailangang gumising kapag may dumaang karo ng patay dahil baka isama ng namatay.
- Kapag mayroong pumasok na paniki sa loob ng inyong tahanan, ito ay nangangahulugang mayroong taong mamamatay.
- Sa martsa ng libing, ang isang lalaki na may buntis na asawa ay hindi dapat magbuhat ngkabaongBago siya umuwi, siya ay dapat na magsindi ng sigarilyo mula sa apoy ng “gate” ngsementeryo upang mapaalis ang mga espiritu ng mga patay
- Paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ng mga namatay na sanhi ng krimen.
- Magpalit agad ng damit pagkagaling sa burol o pakikipaglibing.
- Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaongKapag ito ay nangyari, ang patay na tao aymagkakaroon ng mahirap na paglalakbay sa kabilang daigdig.
- Masama ang magdala ng pagkaing nanggaling sa bahay na mayroong nakaburol sapagkat mamatayan rin ang isang kasambahay.
- Palipasin ang tatlong araw bago maligo kapag namatayan.
- Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalisDadamputin lang dawdapat ang mga dumi.
- Masamang pumutak ang inahing manok kung gabi sapagkat malamang na mayroong mamatay sa inyong lugar.
- Ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw sa habambuhay.
- Magsiga sa harap ng bahay ng namatay para maging gabay nito sa pag-akyat sa langit.
- Kapag mayroong puting paru-paro sa inyong tahanan habang mayroong nakaburol, ibig sabihin ay malinis ang kaluluwa ng taong namatay.
- Kapag nagbungkal ng butas na libingan na mas malaki pa kesa sa kabaong, ito ay magiging sanhing pagsali ng isang malapit na kamag-anak sa libingan ng patay.
- Dapag nanaginip na nalalagas ang ngipin ay may kamag-anak na mamamatay.
- Huwag lumapit sa patay kapag may sugat dahil hindi ito gagaling.
- Sa libing, kailangang ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng hukay ng yumao upang huwag itong balikan ng kaluluwa ng taong namatay.
- Ang kabaong ay dapat na gawin sa tamang sukat ng namatayKung hindi, ang isang kasapi ngpamilya ng namatay ay mamamatay sa loob ng mabilis na panahon
- Pagsasabog ng asin o bigas sa kabahayan ng namatay upang itaboy ang espirito.
- May mamamatay na mahal sa buhay kapag naggupit ng kuko sa gabi.