Narito ang mga halimbawa ng maikling kwento tungkol sa kalikasan. Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.
Pulong Isla Verde
Ang kwentong ito ay tungkol sa luntiang isla kalapit ng Batangas at Mindoro na kinatatakutan at iniiwasan ng mga residente dahil sa taglay nitong hiwaga at kababalaghan. Ang buong Isla Verde ay isang tunay na napakagandang isla: tila mga bituin ang pagkinang ng dagat sa paggising ng araw at tila paraiso ng mga napakamagagandang hayop ang mataba at luntiang lupa ng isla. Hindi nito ipinapakita ang masalimuot at mapait na rason ng pagkabubuo nito: dulot ng kasakiman at kahandaan ng mga tao na trumaydor ng kapwa tao.Â
Mahihinuha sa kwento na lahat ng mga masasamang gawain ay makapagbibigay ng masamang resulta, kung kaya’t dapat gagawa tayo ng mga mabubuting gawain sa lahat ng oras.Â
Bakit Kulay Itim ang Uwak?
Noong panahong pinarusahan ng Bathala ang mundo at binaha nito ang lahat maliban sa arko ni Noah, ang uwak ay kasingputi ng kalapati. Pareho rin itong may magandang tinig at maalindog na kilos. Nagpatuloy ang kasiyahan ng uwak hanggang sa sinuway niya ang isang napakaimportanteng utos.
Ipinapahiwatig ng kwento na dapat ay gawin agad ang mga gawain at utos ng mga nakatataas lalo na kung makabubuti ito. Ang pagsunod at pagiging maagap ay nakadadaig ng anumang gulo at sakuna.
Maria MakilingÂ
Ang Maria Makiling ay ang kwentong patungkol sa isang sikat na diwata na anak ng magkabiyak na si Gat Panahon at Dayang Makiling. Tanyag si Maria Makiling dahil sa kanyang kabutihang loob, kagandahan, at kahandaang makipagkapwa-tao kahit na siya’y isang diwata. Sa kagustuhan ni Maria Makiling na makihalubilo sa mga tao na kung saan ay imperpekto’y mararanasan niya ang makamundong kasalanan at ang pagmamahal.
Mahihinuha sa kwento ang aral na kahit na tama ang pagiging mapagbigay, hindi tayo dapat agad agad na magbigay at bagkus ay suriing mabuti ang pagbibigyan kung ito ba ay karapat dapat.