add_filter( "rank_math/snippet/rich_snippet_article_entity", function( $entity ) { unset( $entity['dateModified'] ); unset( $entity['datePublished'] ); return $entity; });
magagandang-tanawin-sa-pilipinas

Nikki

Magagandang Tanawin sa Pilipinas

magagandang tanawin sa pilipinas

Hanap mo ba ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas?

Sa pitong libo, anim na raan at apatnapu’t isang mga isla na bumubuo ng arkipelago ng Pilipinas, hindi maikaiila na ang mga ito’y may samu’t saring tanawin na nakahahalina ng mga turista at lokal na mamamayan, bata man o matanda! Mula sa pinaka-hilaga hanggang sa pinaka-timog na lugar sa Pilipinas, hinding hindi mauubusan ang bansa ng mga lugar na puno ng ganda at hiwaga. 

Halina’t sabay sabay nating lakbayin sa ating mga isip ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas!

Magagandang tanawin sa Luzon 

Banaue Rice Terraces

banaue rice terraces
https://www.philstar.com/lifestyle/travel-and-tourism/2018/06/29/1828768/banaue-rice-terraces-rehab-start-year-end
  • Matatagpuan ang Banaue Rice Terraces sa Banaue Ifugao.
  • Ang Banaue Rice Terraces ay isang makasaysayang lugar sa Pilipinas na binansagang ‘UNESCO World Heritage site‘ at ang ‘8th World Wonder’. Ito ay isang sistema ng palayang itinanim sa pahagdang pamamaraan na ginawa ng mga katutubong Ifugao dalawang libong taon na ang nakararaan.
  • Ito ay isang napakamabighaning tanawin na hindi lamang nakapagbibigay ng kasiyahan sa mata, nakapagbibigay rin ito ng matinding pagmamalaki sa angking katalinuhan at ka-malikhain ng ating mga ninuno. 
  • Travel Guide

Mayon Volcano o Bulkang Mayon

magagandang-tanawin-sa-pilipinas
https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Mayon-Volcano-Perfect-Cone
  • Matatagpuan ang Bulkang Mayon sa Lungsod ng Legaspi, Albay. 
  • Tinatawag na ‘World’s Most Perfect Volcanic Cone’ dahil sa simetriko ng hugis nito, nakabibighani ang bulkang may isang daan at tatlompung kilometrong palibot at walong libo’t pitompu’t pito talampakang taas. Bagama’t ito’y maganda, may tinatago itong panganib—may tatlompung nakatalang pagputok ng bulkan mula noong 1616. Nakapaglilikas ito ng libo libong mga residente at nakapipinsala ng maraming karatig bayan sa kalakasan ng pagputok nito.
  • Ang pinamalaking pagsabog nito ay noong 1814: nalibing ang buong baryo ng Cagsawa at may isang libo’t dalawang daang tao ang nasawi. Tanging ang kampana ng simbahan nalang ang natira. 
  • Travel Guide 

Hundred Islands o Taytay-Bakes

magagandang-tanawin-sa-pilipinas
https://en.wikipedia.org/wiki/Hundred_Islands_National_Park
  • Matatagpuan ang Hundred Islands sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan. 
  • Ang Hundred Islands isang napakarikit na tanawin na may kabuuang isang libo, walong daan at apatnapu’t apat na hektarya. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t apat na naggagandahang mga isla.
  • Sa mga islang ito ay tatlo lamang ang binago upang magkaroon ng matitirhan ang mga turista—ang Quezon, Governor, at Children’s Island.
  • Travel Guide

Magagandang tanawin sa Visayas

Chocolate Hills 

magagandang-tanawin-sa-visayaz
http://www.magtxt.com/article/17/chocolate-hills
  • Matatagpuan ang Chocolate Hills sa Bohol, Visayas. 
  • Ang Chocolate Hills ay sumasaklaw ng isang libo, dalawang daa’t animnapu hanggang sa isang libo, pitong daa’t pitompu’t anim na mga burol kung kaya’t hindi maitatanggi ang kariktan na dala ng tanawin na ito. Tinawag itong Chocolate Hills sapagkat nagiging kulay kayumanggi ito sa tag-araw, na tila’y parang tsokolate.
  • Sa kabundukan din ng Bohol, ang lugar kung saan matatagpuan ang chocolate hills, ay nakatira ang mga Tarsier, isang uri ng primate na matatagpuan lamang sa kakaunting isla ng Timog-Silangang Asya.
  • Travel Guide

Boracay Island

magagandang-tanawin-sa-visayaz
https://thedistrictboracay.com/blog/boracay-island-best-beach/
  • Matatagpuan ang Boracay sa probinsya ng Aklan.
  • Ang isla ng Boracay ay napakatanyag; halos, kung hindi lahat, ng mga Pilipino’y alam ang islang ito at nagnanais na makapunta. Ito ang tanawing may pinakamaraming turista, kung kaya’t ang mga residente ng Boracay ay nakadepende sa turismo bilang hanapbuhay.
  • Tanyag ang isla sa kanilang mala-puting buhangin at malinaw na dagat.
  • Travel Guide

Kweba ng Langun Gobingob

magagandang-tanawin-sa-visayaz
https://kotheexplorer.com/2019/02/26/exploring-samars-langun-gobingob-caves-the-largest-cave-system-in-the-philippines/
  • Matatagpuan ang Lagun Gobingob Caves sa Calbiga, Samar. 
  • Ang kuwebang ito ay ang pinakamalaking sistemang-kuweba sa buong Pilipinas. May sukat itong dalawang libo, siyam na raan at animnapu’t walong hektarya, at binubuo ng labingdalawang mga kuweba kagaya ng Langun, Gobingob, Lurodpon, at Bitong Mahangin. Marami ang narurumihan na mga turistang pumupunta rito ngunit hindi naman ito alintana sa magagandang rock formations na makikita sa loob nito!
  • Travel Guide 

Magagandang tanawin sa Mindanao

Bundok Apo

magagandang-tanawin-sa-mindanao
https://wayph.com/
  • Matatagpuan ang Bundok Apo sa Kidapawan, Lungsod ng Davao.
  • Ang Bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. May taas itong dalawang libo, siyam na raan at limampu’t apat na metro, kung kaya’t dinarayo ito ng mga turistang nais akyatin ang tuktok nito dahil sa ganda ng tanawin (kombinasyon ng kagubatan, langit, at lungsod) na makikita.
  • Ang Bundok Apo ay isang bulkan, ngunit hindi na matandaan kung kailan ito huling pumutok. 
  • Travel Guide

Maria Cristina Falls

magagandang-tanawin-sa-mindanao
https://www.tupanggala.com/maria-cristina-falls/
  • Matatagpuan ang Maria Crisitna Falls sa Maria Cristina, Lungsod ng Iligan, Misamis Oriental.
  • Sa lahat ng mga tanawin sa Mindanao, ito ang may pinakamalaking epekto at tulong sa mga mamamayan—ang enerhiyang nakukuha sa talon na ito ay ginagamit na elektrisidad ng 70% ng kabuuan ng Mindanao.
  • Tinatawag itong “Twin Falls” dahil sa dalawang talon nito. Nakalulula ang ganda ng tubig na nahuhulog sa paa ng talon kung kaya’t imposibleng hindi mapapakuha ng camera ang mga turista upang kuhanan ito ng litrato.
  • Travel Guide 

Dahilayan Adventure Park 

magagandang-tanawin-sa-mindanao
http://www.dahilayanforestpark.com/
  • Matatagpuan ang Dahilayan Adventure Park sa Manolo Fortich, Bukidnon, Misamis Oriental.
  • Dahil nakatayo ito sa lugar na may mataas na altitude, napakaganda ang tanawin ng mga bundok at kagubatan dito, lalo na kapag nakasakay sa kanilang mga atraksyon. Napakatanyag ng parkeng ito sapagkat dito matatagpuan ang pinakamataas na dual zipline sa buong Asya. Hindi lang ito limitado sa zipline, napakaraming laro at rides ang inihahandog ng parke, kagaya ng Canopy Glider, Python Roller Zipride, at Ropescourse
  • Travel Guide

Magagandang tanawin sa Pilipinas, kay ganda!

Tunay ngang napakaganda ng mga tanawin na kanina’y nabanggit, ngunit maliit na parte lamang ito ng mga mga nakabibighani’t nakahahalinang mga tanawin na maihahandog ng bansang Pilipinas! Ang arkipelagong Pilipinas ay puno ng mga makasaysaya’t makaaantig na mga pook. 

Umaasa kaming nakapaghandog kami ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas!

Kung ikaw ay may mga suhestyon, maaaring mag komento sa ibaba!

+1
2
+1
10
+1
2
+1
1
+1
0
+1
0
+1
0