Lupang Hinirang

Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

Iba pang pwedeng basahin

Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas MGA PAMBANSANGSAGISAG NG PILIPINAS PAMBANSANG...
Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto’t bulak...
Sanaysay tungkol sa pag-ibig "Ang Pag-ibig" Sa lahat ng damdamin ng puso ng ta...

Leave a Comment