Leron Leron Sinta Lyrics

Leron, Leron, sinta
Buko ng papaya
Dala dala’y buslo
Sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga,
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.

Gumisang ka Neneng, tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y uunda-undayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.
Halika na Neneng at tayo’y magsimba
At iyong isuot ang baro mo’t saya
Ang baro mo’t sayang pagkaganda-ganda
Kay ganda ng kulay — berde, puti, pula.
Ako’y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam
Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

Iba pang pwedeng basahin

Ibalon (Epikong Bikolano) Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabai...
Salawikain tungkol sa buhay Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi mak...
Pinagmulan ng Guimad Sa unang panahon, si Gu-i-mad usa ka timo-ay sa mg...

Leave a Comment