Elehiya para sa Kamatayan ng Iniibig

0 65

Sa aking pagmulat sa bagong umaga
Piling at init mo’y wala na
Sakit at hinagpis na nadarama
Walang katulad nang ika’y mawala

Mga araw na ating pinagsamahan
Di na muling mararanasan
Tanging sugat na lamang ang laman
Ng pusong sa iyo’y nilaan

Paano nga ba ang magpaalam
Sa taong hindi ko pa handang bitawan?
Mga alaala nati’y aking babaunin
Hanggang sa aking huling paghinga

Orihinal na gawa ni Francesca Marie

Leave A Reply

Your email address will not be published.