Nilalayon ng tekstong prosidyural na ilahad ang mga gawain at hakbang ng isang bagay, pamamaraan, o kilos sa kronolohikal na ayos.
Pinakikita ng tekstong ito ang detalyado at masinop na aksyon sa paggawa ng isang bagay upang maliwanagan at magawa nang maayos ng mga mambabasa ang isang kilos o gawain. Ang mga ‘How to cook spaghetti’, ‘How to fix a broken tire’, at ‘How to solve problems using quadratic equations’ ay iilan sa mga manipestasyon ng teksto.Â
May anim na elemento ang tekstong prosiduryal:
- Layunin ng May-Akda – Sapagkat ang ugat ng paggawa ng teksto ay ang pagpapadali sa buhay ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pagtulong at paggabay sa isang gawain, dapat isaalang-alang ng may-akda ang gumawa ng isang tekstong may sunod-sunod na direksyon na malinis at hindi nagkakagulo ang eksplanasyon.
- Pangunahing Ideya – Ito ang ideyang nakapaloob sa teksto. Importanteng isa lamang ito at kaagad na nasabi sa unang talata o sa pamagat ng teksto upang hindi maguluhan ang mambabasa at alam nito ang pakay ng teksto.
- Mga Estilo – Ang pamamaraan ng may-akda sa pagsusulat at pagbibigay ng kaalaman. Ito ang iba-iba sa mga may-akda na ang layunin ay manghikayat ng mga mambabasa.Â
- Paggamit ng Larawan – Sa kadahilanang hindi lahat ng mga mambabasa’y may matalas na imahinasyon, makapagbibigay ang paglalagay ng larawan na nagpapakita ng kasalukuyang set-up sa pagpapadali sa pag-intindi ng mga mambabasa. Ito rin ang nagdadala ng buhay sa isang artikulo, lalo na kapag ito ay komplikado o mahirap.
- Pagbibigay Diin – Kahit na ang lahat ng mga panuto’y dapat sundin, may mga panutong kinakailangang bigyan ng importansya sapagkat kapag sila’y nakaligtaan ay may malaki itong epekto sa kabuuang resulta. Upang hindi ito makalimutan, kinakailangan bigyan ng diin ang mga panutong ito.
- Pagbibigay ng Sanggunian – Ang pagdadagdag ng sanggunian ay nakadadagdag sa kredibilidad ng isang artikulo o talata. Kinakailangan ito upang mas mahikayat ang mambabasa na makatotohanan ang isang akda, lalo pa’t nagbibigay ito ng panuto.
Ito ay may apat na bahagi:
- Target na Output – Ito ang inaasahang resulta o kahahantungan sa huli ng isang produkto o gamit sa pagkatapos ng pagsunod sa lahat ng mga gabay at gawain sa akda.
- Mga Kagamitan – Mga kinakailangang gamit upang magawa at matapos ang bagay o produktong ginagawa.Â
- Metodo – Ang magkasunod-sunod na hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto mula sa simula hanggang sa dulo.
- Ebalwasyon – Listahan o talatang naglalaman ng mga pamamaraan upang masiguradong tama o epektibo ang pagkagawa ng isang produkto o bagay base sa pagkakasunod ng gabay sa akda.Â
Paalala sa paggawa ng magandang tekstong prosiduryal:Â
- Alamin ang demograpiya at katangian ng mga mambabasa upang maiayon ang pagsusulat.
- Gumamit ng heading, subheading, number, diagram, at photos.Â
- Maiaaplay sa makabagong panahon.
- Nakaposisyon sa tiyak na pandiwa.
- Paggamit ng malinaw na pang-ugnay ng mga salita at ideya.
- Detalyado ang mga panuto.Â
Halimbawa ng tekstong prosidyural
Sanggunian:
Alviola, I. (2017). Tekstong Prosidyural. Nakuha noong Oktubre 31, 2020 sa https://prezi.com/cy0yszw3ctqm/tekstong-prosidyural/.
+1
+1
4
+1
1
+1
+1
+1
+1
2