Ano ang Kultura?

|

Ang kultura ay ang pagkita ng kasaysayan ng isang grupo sa masining na paraan. Maaari din na ipinapakita dito ang kaugalian, batas, paniniwala, kakayahan, at kaalaman ng grupo.

May inaasahang 175 na bilang na kultura dito sa Pilipinas. Labis na naimpluwensyahan ang bansa mula sa mga sumakop dito. Isang halimbawa na dito ang makikita mong mga gusali sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Malakas rin ang impluwensya ng mga kalapit nating mga bansa. 

Basahin sa ibaba ang iba pang mahalagang impormasyong kung ano ang kultura.

Ano ang mga Elemento ng Kultura?

1. Paniniwala—Saklaw ng paniniwala ang paliwanag at interpretasyon ng mga bagay, kaugalian, at paniniwalang tinatanggap na totoo ng mga nakararami.

2. Pagpapahalaga—Ang pagpapahalaga ang batayan kung ano ang tama o maling gawain ng isang pangkat ng lipunan. Ito ang basehan sa pagtatangi ng mga gawaing katanggap tanggap o hindi katanggap tanggap.

3. Norms—Kinahuhulugan nito ang mga kagawian ng mga naninirahan sa isang lipunan. Tinutukoy nito ang kilos, asal at aksyon ng isang taong parte ng isang lipunan sa nakasasalamuha nito.

4. Simbolo—Ito ang paglalagay ng importansya at sentimental na kahulugan ng mga miyembro ng isang lipunan sa mga bagay, pook, kilos, at salita. 

Kultura ng Pilipinas

Kultura ng Pilipinas
  • Sa kadahilanang napakataas ng panahong nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas, ang kultura na Pilipinas ay mabigat na nakabatay sa kultura ng mga Kastila, kasama ng kultura ng mga katutubo.
  • Matatagpuan sa kultura ng mga Pilipino ang konsepto ng bayanihan, malapit na koneksyon sa pamilya, pakikisama at hiya, utang na loob, delicadeza, pagpapahalaga ng dignidad, at “isang salita”.
  • Sapagkat karamihan ng mga naninirahan sa Mindanao ay ang grupo o tribo ng mga Muslim o Moro, nakaukit na sa kultura ng Mindanao ang paghahabi, pagbuburda, at pag-uukit.
  • Pambansang kasuotan ng mga Pilipino ang Baro’t Saya at Barong Tagalog, sapagkat ito ang kultura’t damit na kinagisnan ng mga Pilipino sa kapanahunan ng koloniyalismo. 

Kultura ng Singapore

kultura ng singapore
  • Dahil ang mga pangunahing grupong etnikong matatagpuan sa Singapore ay Malay, Tsino, at Indiyano, ang kanilang kultura, asal, at gawai’y nakabatay sa pinagsama samang kultura ng tatlo.
  • Kaakibat ng kultura nito ang batas na natatangi sa kanilang bansa—ang pagbabawal ng pagkain ng bubblegum, pagdura, pagkakalat, pagtawid sa hindi tamang tawiran, paninigarilyo sa loob ng gusali, at paglalasing sa publiko. Dahil dito’y tunay na malinis at may maayos.
  • Datapwa’t may tatlong pangunahing etnikong grupo ang Singapore, hind nasasaklaw nito ang katotohanang napakaraming etnikong grupo ang naninirahan rito. Dahil rito’y marami rin ang kanilang nasyonal na kasuotan: Cheongsam, Baju Kurung, Baju Melayu, Sarong Kebaya, at Sari

Kultura ng Thailand

Kultura ng Thailand
  • Ang karamihan ng mga mamayanan ng Thailand ay sumasamba kay Buddha, kung kaya’t isang Buddhist Country ang Thailand. Sa Thailand makikita ang pinakamalaking rebulto ni Buddha na gawa sa ginto.
  • Dahil ang kultura ng mga Thai, ang mga taong naninirahan sa Thailand, ay ang pagbati ng mga turista nang may napakalaking ngiti sa labi, binansagan ang Thailand bilang “Land of Smiles”.
  • Ang Thailand ay may tradisyunal na kasuotan na tawag ay Chut Thai, ngunit mayroon rin silang natatanging pambansang kasuotan: Tavaravadee, Sukhothai, Ayudhaya, Lopburee

Kultura ng Indonesia

Kultura ng Indonesia
  • Mayaman ang lupain ng Indonesia sa spices. Dahil rito, halos lahat ng kanilang mga pagkain ay puno ng iba’t ibang pampalasa at palaging maanghang.
  • Ang emblem ng Indonesia ay isang agilang may katagang “Bhinneka Tunggal Ika”, na ibig sabihin ay pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Ito ang simbolo ng kanilang pagbubuklod buklod sa kabila ng pagiging magkaiba.
  • Ang kasuotang Batik at Kebaya ang dalawang nasyonal na damit ng Indonesia. Ginagamit ito ng presidente ang ng kanyang pamilya sa tuwing may okasyon o pormal na salo salo. 

Kultura ng Japan

Kultura ng Japan
  • Kultura ng mga Hapon ang pagiging mapagmahal at magalang sa kapwa tao, kung kaya’t napakamarespeto at tapat ng mga mamamayan na naninirahan dito.
  • Tanyag din ang isports sa Sumo Wrestling, isang uri ng isports sa Japan na kung saan nagpapalakasan ang mga kalahok upang maialis ang kalaban sa ring. Ang mga manlalahok lamang sa isports na ito ang hindi pinagbawalan ng batas ng Japan na maging obese.
  • Ang yukata ang nasyonal na kasuotan ng mga Hapon. Kadalasan nila itong sinusuot sa mga piyesta at sa mga sagradong ritual. 

Kultura ng France

Kultura ng France
  • Malaki ang impluwensya sa kultura ng France ng mga kulturang Celtic at Gallo-Roman.
  • Nabubuhay ang mga Pransiskano sa kanilang national motto: “Liberte, egalite, fraternite.” Ibig sabihin nito’y “liberty, equality, fraternity”, na sumisimbolo sa kanilang dedikasyon na mapalaya at magkaroon nang magkapantay na karapatan ang lahat ng mga Pransiskano.
  • Tanyag ang France sa kanilang paggamit ng tinapay bilang pangunahing pinagkukunan ng carbohydrate.  Isa sa mga halimbawa nito ay ang mataas at matabang na tinapay na baguette.

Kultura ng China

Kultura ng China
  • Salungat sa istrukturang politikal ng karamihan, ang Tsina ay gumagamit ng komunismo, na may katagang “of the people, by the people, for the people”.
  • Ang kasuotan ng mga Tsino ay ang Cheongsam (para sa mga kababaihan) at Zongshan (para sa kalalakihan).
  • Ang Great Wall of China ay isa sa mga pinakamatanyag na lugar sa buong mundo, na umusbong sa kultura at sipag ng mga Tsino noon. Ang taas nito’y pitong libo at dalawang daang (7,200) kilometro.
+1
1
+1
1
+1
1
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email