Ano ang Kontemporaryong Isyu?

|

Ang kontemporaryong isyu o contemporary issues sa Ingles ay tumutukoy sa mga opinyon, pangyayari, o paksang may kinalaman sa panahon ng kasalukuyan.

Ito’y nakabase sa mga napapanahong interes at opinyon ng mga taong nabibilang sa isang lipunan o pangkat. Hanggang sa ito’y nanatiling mapanahon at nakapupukaw sa interes ng mga mamamayan ay itinuturing ito bilang isang kontemporaryong isyu.

Kahalagahan ng kontemporaryong isyu

Ang pagkakaroon ng kontemporaryong isyu ay napakahalaga sa isang aktibong lipunan sapagkat naghihikayat ito sa mga mamamayang maging parte ng mga makamundong isyu at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga pangyayari.

Sa pagdadagdag, nalilinang nito ang mga mamamayang magkaroon ng kritikal na pag-iisip, nailalantad ang iba’t ibang kasanayan, napapahalagahan ang mga isyung panlipunan, at maikokonekta ng mga tao ang kanilang sarili sa mga mapanahong problema.

Halimbawa ng kontemporaryong isyu

Halimbawa ng mga kontemporaryong isyu sa panlipunan ay ang halalan, terorismo, rasismo, at eleksyon. Sa Pilipinas, ang pinakakontrobersyal na isyu sa panahon ngayon ay ang anti-terrorism law. Napatupad ang batas na ito sa kabila ng samu’t saring reaksyon, petisyon, at mga rally. 

Sa pangkalusugan nama’y kanser, COVID-19, droga, at obesity. Pinakakontrobersyal na isyu ng pangkalusuga’y sa Pilipinas ay COVID-19, sapagkat napakaraming mga bansa ang apektado nito, at milyon milyon ang nahahawa. 

Sa pangkapaligiran, laganap ang isyu ng polusyon, lindol, bagyo, at global warming. Isang laganap na isyung pangkapaligiran ay ang pagsabog sa Beirut, na nakasira ng napakaraming impastraktura at nakaapekto ng milyon milyong buhay. 

Sa panig ng pangkalakalan ay mapanahon ang isyu ng stock market, online shopping, business news, at import/export. Dito’y laganap ang kompetisyon ng dalawang pinakamalaking online store platforms ng Pilipinas: ang Shopee at Lazada. May kanya kanyang gimik ang mga ito—buwanang sale sa Shopee at bounce back sale sa Lazada. 

Sanggunian

Barretto, E. (n.d.). Kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Retrieved from Slideshare:slideshare.net/eduardobarretto/kahalagahan-ng-pag-aaral-ng-mga-kontemporaryong-isyu

Torbesco, C. (n.d.). Kontemporaryong Isyu. Retrieved from Academia: academia.edu/28635459/Kontemporaryong Isyu

+1
3
+1
2
+1
4
+1
0
+1
1
+1
1
+1
0
Follow by Email