ano ang heograpiya

Nikki

Ano ang Heograpiya? Tema at Pagsusuri

heograpiya ng daigdig, limang tema ng heograpiya

Ang heograpiya ay ang pag aaral ng pisikal na anyo ng mundo. Kasama rin dito ang pag aaral ng kapaligiran, at ang epekto ng tao sa kapaligiran. 

Si  Alexander von Humboldt, ay ang tinatawag na modernong ama ng heograpiya. Ipinanganak si Alexander sa Berlin, Prussia noong 1769 kung saan nag aral siya ng science sa University of Göttingen noong 1789.

Naglakbay si Humboldt at ginawa niya ang lahat para sukatin lahat ng kanyang nakitang masa ng anyong lupa. Malaking ambag sa heograpiya ang kanyang mga paggalugad, lalo na sa Mexico, kung saan siya madalas na lumakbay. Ginagamit hanggang ngayon ang mga guhit na kanyang ginawa.

Ating talakaying ang iba pang impormasyong kung ano ang heograpiya sa ibaba.

limang tema ng heograpiya

5 Tema ng Heograpiya

1.   Lokasyon – Tinutukoy ng lokasyon ang permanenteng pagkalalagay at kinaroroonan ng iba’t-ibang lugar sa daigidig. Mayroon itong dalawang paraan sa pagtukoy: ang lokasyong absolute (gamit ang latitude at longhitude) at ang relatibong lokasyon (mga lugar malapit nito).

2.   Lugar – Tinutukoy ng lugar ang mga katangiang makikita lamang sa pook kung saan ito nabibilang. Matutukoy ito sa pamamagitan ng: kinaroroonan (klima, anyong lupa at anyong tubig, likas na yaman) at mga mamayanan (wika, relihiyon, dami ng tao, kultura, sistema ng politika).

3.   Rehiyon – Isang bahagi ng lupa na magkasasama ang mga mamayanang magkapapareho ng pisikal na anyo at kultural na paniniwala.

4.   Interaksyon ng tao sa kapaligiran – Ang koneksyon ng mga mamamayanan sa pisikal na kaanyuan ng kanilang pook o kinaroroonan.

5.   Paggalaw – Tinutukoy ng paggalaw ang paglipat ng mga mamamayan sa kanilang mga kinagisnan patungo sa panibagong lugar. Mailalagay rin sa paggalaw ang paglilipat lipat ng mga likas na pangyayari (hangin at ulan). 

Bakit Mahalagang Pag-Aralan ang Heograpiya?

Mahalagang pag-aralan ang heograpiya sapagkat ito ay maisasangkot sa pamumuhay ng mga tao, pati na sa pamamalakad ng politika, pagpapalaganap ng matagumpay na ekonomiya, at pagpapabuti ng sistema ng lipunan.

Ang mundo ri’y may paiba-ibang pisikal na katangian na direktang makaaapekto sa pamumuhay at pamamalakad ng mga naninirahan  sa lugar o pook.

Matututunan din sa pag-aaral ng heograpiya ang iba’t-ibang uri ng likas na yaman ng isang lugar nang sa gayon ay magamit ng wasto at makonserba nang maayos. 

Ating talakakyin ang mga kilalang halimbawa ng heograpiya sa iba’t ibang panig ng mundo.

heograpiya ng asya

Heograpiya ng Asya

  • Pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
  • Sa kontinenteng Asya matatagpuan ang matanyag na bulubunduking Himalayas at ang pinakamalaking bundok sa buong mundo, ang Bundok Everest.
  • Maraming bansa sa Asya ang hindi napapalibutan ng tubig o hinahangganan ng anyong tubig. Halimbawa sa mga ito ang Laos, Mongolia, at Nepal. 

Heograpiya ng Pilipinas

  • Isang arkipelagong sumasaklaw ng humigi’t kumulang pitong libo, anim na daan, apatnapu’t isang (7,641) pulo.
  •  Ang kapulua’y nahahati sa tatlong pangunahing pangkat: ang Luzon, Visayas, at Mindanao.
  • Ang pinakamataas na lugar (yamang lupa) ng Pilipinas ay ang Bundok Apo na matatagpuan sa Davao. 

Heograpiya ng Daigdig

  • Matatagpuan ito sa Solar System, ikatlo sa walong planeta mula sa araw, at may natural na satellite, ang buwan.
  • Ang Pacific Ocean ang pinakamalaking karagatan at yamang tubig sa buong daigdig.
  • May pitong kontinente ang daigdig: Asya, Africa, North America, South America, Antartica, Europe, at Australia.

Heograpiya ng Mesopotamia

  • Ang lupa ng Mesopotamia ay napakataba kaya’t tinawag itong “Fertile Cresent”.
  • Mas kilala ang Mesopotamia sa mga modernong pangalan ng mga bansa na pumapalibot nito: Iraq, Kuwait, Turkey, at Syria.
  • Matatagpuan ang Mesopotamia sa kanlurang Asya. 

Heograpiya ng Greece

  • Sa anim na libong isla ng Gresya, dalawang daan at pitompu’t pito lamang ang pwede tirhan rito.
  • Ang pinakamataas na bundok ng Gresya ay ang Mount Olympus, na may taas na dalawang libo, siyam na daan at labing siyam (2,919) na metro.
  • Pinakamalaking isla ng Gresya ang islang Crete

Heograpiya ng Africa

  • Ang Sahara Desert na matatagpuan sa Africa ay ang pinakamalaking hot desert sa buong mundo.
  • Ang Savanah ang pinakamalaking anyong lupa na makikita sa Africa.
  • Dahil ito’y malapit sa equator, ito ay pinakamainit at pinakamaulan sa buong mundo.
  • Pinakahuling nahati-hati ng mga Kanluran ang kontinenteng Africa dahil sa heograpiya nito. 

Konklusyon

Walang duda na ang heograpiya ay mahalaga sa ating pagkilala sa mundo at sa ating sarili bilang bahagi nito. Ang pag-aaral nito ay nagbibigay daan sa mas malalim na pag-unawa sa pag-uugali ng tao, pamamahala ng yaman, at pagsusulong ng mas maayos at mas ligtas na kinabukasan. Kung mayroon ka pang katanungan o nais makipagbahagi ng iyong opinyon, huwag mag-atubiling magkomento sa ibaba!

+1
1
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
1
+1
0