Ano ang Globalisasyon? Kasysayan | Epekto | Anyo

|

Ating basahin at unawain kung ano ang globalisasyon at ang dulot nito sa ating mundo at pamumuhay.

Ano ang globalisasyon?

Sa madaling salita, ang globalisasyon ay ang pag impluwensya o pag ikot ng isang bagay sa buong mundo. Maaari itong mangyari sa pamamagitan ng isang serbisyo, produkto, kultura, o kaisipan.  Unang nagsimula noong 15th Century, at pinalaganap ni Christopher Columbus nung matuklasan niya ang Amerika, ang globalisasyon ay nanatiling isang importanteng puwersa sa pag palaganap sa mundo. 

Kasaysayan ng globalisasyon

Pinakamaagang porma ng globalisasyon ay makakikita sa pakikipagkalakalan ng sibilisasyong Sumerian at Indus Valley. Ang kalakalang ito ay kumalat hanggang sa ginagawa na rin ito ng mga bansang Europe, Egypt, at Asya noong 1869. Di nagtagal ay dumarami ang mga taong naglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo at nagdulot ng pagsalin salin ng mga wika, kultura at tradisyon.

Anyo ng globalisasyon

Ang globalisasyon ay nahahati sa tatlong anyo:

  1. Pulitika — Ang globalisasyong tumutukoy sa politikal na ugnayan ng mga bansa. Dito, itinatalakay ang pangangasiwa ng mga patakarang mapagkagpabubuti sa ayos at ganap ng kalakalan. Kadalasan dito’y ang mga namumuno o ang mga may matataas na posisyon sa pamahalaan ang nag-oorganisa nito. 
  2. Ekonomiko — Tinutukoy nito ang uri ng globalisasyong pinagpabubuti ang ekonomiya sa paglaki ng mga internasyonal na kompanya sa pamamagitan ng pagtangkilik ng produkto at serbisyo. 
  3. Sosyo-kultural at Teknolohikal— Tinututukoy nito ang mga pagbabagong natatamasa ng isang bansa patungkol sa teknolohiya at kultura nito.
epekto-ng-globalisasyon

Ang epekto ng globalisasyon ay hindi maikakaila. Ngunit ano nga ba ang magandang dulot nito? Basahin din sa ibaba ang masamang epekto ng globalisasyon upang maintindihan ito ng mabuti.

Mabuting dulot ng globalisasyon

Ang globalisasyo’y nakapagbibigay ng mabuting epekto sa mga bansang sumasagawa nito sa kadahilanang ang globalisasyon ay nakapagpupukaw ng atensiyon ng internasyonal na masa at nakapagpapabuti sa kalidad ng produkto sa merkado. Nakapagpapabuti ito sa ekonomiya ng isang bansa sapagkat ang kanilang mga produkto’y nagkaroroon ng international demand, na nakatutulong sa benta. Dahil may mga internasyonal na kalakalan, tumataas ang kompetisyon sa merkado at ang mga produkto’y sinisiguradong may kalidad at may naipapatong na karampatang presyo.

Masamang epekto ng globalisasyon

Ang epekto ng globalisasyo’y may kaakibat ring kasamaan. Dahil sa globalisasyo’y tumataas ang demand ng mga produkto, na nakapagdudulot ng pagkuha ng mas maraming likas na yaman. Sa pakikipagkalakalan, ang transportasyong ginagamit ay nakadaragdag din sa polusyon at nakagagamit rin ng fossil fuels.

Nangangailangan din ng mas malalaking lugar para sa mga pabrika kung kaya’t pinuputol ang mga kagubatan, na nagdudulot ng malaking pag-iba ng klima at pagkawala ng tirahan ng mga hayop. Dahil rin sa globalisasyo’y dumarami ang mga trabahong kontraktwal, na nagdudulot ng takot at pag-aalala.

Ilan lang ito sa mga negatibong epekto ng globalisasyon.

Konsepto ng globalisasyon

Ang globalisasyo’y isang napakalawak na ideya, kung kaya’t walang nakapirming depinisyon nito ngunit kung aanalisahin, ang kahulugan ng globalisasyo’y ang pagkokonekta at pagkakaisa ng iba’t ibang bansa upang mapainam at mapalaya ang kalakalan. Saklaw ng globalisasyon ang pagtamasa ng mga mamamayan ng kalayaang pumili ng produkto ninanais at matutunan ang kultura at tradisyon ng ibang bansa. 

Ang konsepto ng globalisasyo’y hindi lamang ang internasyonal na kalakalan mismo, ngunit ang mga patakaran na nagpapatatag nito. Nais ng mga bansa ang pagpapatatag ng maayos at malapit na relasyon sa mga bansang kakalakal nito. Saklaw rin nito ang mga isyu at impormasyon ng mga bansa patungkol sa politika, kultura, kapaligiran, at teknolohiya. 

globalisasyon-sa-pilipinas

Globalisasyon sa Pilipinas

Isang halimbawa ng globalisasyon ay ang globalisasyon sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ay malinaw na nakibabahagi sa globalisasyon, lalo na sa komersiyo at pandarayuhang aspeto nito. Sa pagkukumpara, ang Pilipinas ay hindi nangunguna sa pinansyal na kalakalan sa globalisasyon pero nalulunasan naman ito sa katotohanang ang Pilipinas ay abunda sa likas na yaman na dulot ng pang-agrikultural na heograpiya nito. Sagana ang bansa sa mga mineral na namimina at mga halamang tropikal na may mataas na demand sa mga dayuhang industriya.

Isa rin sa pinakamalaking kontribusyon ng bansa sa globalisasyon ay ang pandarayuhan ng mga mangagawang Pilipino, o ang mga OFWs.

Tunay ngang bumubuti ang ekonomiya ngunit hindi ito sapat para mabigyan ng magandang pamumuhay ang lahat ng mga Pilipino. Dahil dito, ang mga OFW bilang manipestasyon ng globalisasyon ay ikinokonsidera dahil sila ang tumutulong upang matugunan ang natatamasang socio-economic krisis sa bansa. Dahil sa mataas na populasyon ngunit maliliit na oportunidad sa trabaho’y ang Pilipinas ang pinakaunang pinagkukunan ng mga manggagawa. Marami sa mga Pilipinong OFW ay namamasukan bilang isang domestic helper, caregiver, hardinero, at karpintero. 

Hindi maipagkakait ang magandang dulot ng globalisasyon sa Pilipinas—maraming oportunidad sa internasyonal na kalakalan at pagbuti ng ekonomiya—ngunit hindi maikakaila ang mga hamon na naibibigay ng globalisasyon sa bansa. Ang hamong ito ay ang pagkawala ng pambansang identidad sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya at inobasyon. Pumukaw ito ng mga dalubhasa sa aghamlipunan upang gumawa ng mga saliksik na tutugon sa problemang ito. Sa kasalukuyan, ang pagharap sa hamon hamon ng globalisasyon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pambansang identitad ng kamalayan. 

Nawa’y iyong naunawaan ang globalisasyon kahulugan at mga epekto nito sa ating pamumuhay.


Sanggunian

Hayes, A. C. (2006). EDITORIAL: GLOBALIZATION AND DEMOGRAPHIC CHANGE. Journal of Population Research 23(2): 101-105.

Guinigundo, D.C. (2018). The Globalisation Experience and Its Challenges for the Philippine Economy. BIS Paper No. 100q Available at SSRN

Latasan, C. (2018, August 7). Kasaysayan ng Globalisasyon. Retrieved from Prezi.

Mabaquiao, N. M. (2007). Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino. Philippine E-Journals.

+1
1
+1
4
+1
2
+1
0
+1
1
+1
1
+1
2
Follow by Email