Ang mga diptonggo o diphthongs ay ang mga tunog ng patinig na nangyayari sa isang pantig kapag ang isang tunog ng patinig ay lumilipat mula sa karaniwang posisyon nito patungo sa isa pa.
Karaniwan itong nangyayari kapag ang isang tunog ng patinig [a, e, i, o, u] ay gumagalaw patungo sa isa pang tunog ng malapatinig [w, y] sa parehong pantig.
Halimbawa ng Diptonggo
Ang mga diptonggo ay binubuo ng isang kumbinasyon ng mga tunog ng patinig. Sa madaling salita, ang diptonggo ay isang “gliding vocal“.
Basahin ang mga halimbawa ng diptonggo sa kahon:
Diptonggo | Halimbawa #1 | Halimbawa #2 |
ay | kamay | husay |
aw | araw | tanaw |
ey | reyna | keyk |
ew | waley (gay lingo) | beywang |
iy | isipi’y (isipin ay) | kami’y (kami ay) |
iw | giliw | sisiw |
oy | kahoy | daloy |
uy | aruy | baduy |
Halimbawa ng maling diptonggo
Ang salitang “iniwan” ay maaaring mapagkamalang diptonggo sapagkat mayroon itong magkatabing patinig na i at malapatinig na w. Kung ito ay pagpapantigin:
I – N I – W AN
Makikitang nasa magkahiwalay na pantig ang letrang i at w kaya naman hindi ito maaaring tawaging isang diptonggo