Ang Kwento ng Langgam at Tipaklong – Kwentong Pambata

|

Si Tipaklong at si Langgam ay magkaibigan ngunit ibang iba ang kanilang mga gawain araw-araw: si Tipaklong ay palaging naglalaro habang si Langgam ay palaging nag-iimbak. Pinagsasabihan palagi ni Tipaklong si Langgam na maglaro lamang sapagkat napakaganda ng panahon ngunit hindi alintana ni Langgam ang mga payo nito. Nagpatuloy ang pagsasaya ni Tipaklong hanggang sa nagsimula ang panahon ng tag-ulan.

Mahihinuha sa kwentong pambata na ito ang kahalagahan ng pag-iimbak at pag-iipon para sa kinabukasang walang kasiguraduhan. Magandang maglaro at magsaya, ngunit hindi dapat ito ang inuuna kaysa mga mas importanteng bagay.

Basahin ang halimbawa ng kwentong pambata na ito mula kay Michaela Gonzales.

Aral ng Pabula

Kung may naitago, may maidudukot sa pagdating ng panahon. Maging masinop at laging isipin ang kinabukasan, huwag magpakalulong sa saya ng kasalukuyan.

Ano ang aral na iyong nakuha sa pabula o maikling kwentong pambata na ito?

+1
10
+1
3
+1
0
+1
0
+1
0
+1
1
+1
2
Follow by Email