Alamat ng Makahiya

|

Basahin ang halimbawa ng maikling kwento na ‘Alamat ng Makahiya‘ sa ibaba. Mayroon din kaming ginawang larawan para sa halimbawa ng alamat na ito.


Alamat ng Makahiya

Noong unang panahon, may mayamang mag-asawa na nag ngangalang Dondong at Iska. Si Mang Dongdong at Aling Iska ay may kaisa-isang anak na ang ngalan ay Maria. Si Maria ay napakabait at masunuring bata.

Sa kabila ng magandang ugali ng bata ay may pagkamahiyain ito. Ayaw nyang makipag-usap lalo na sa ibang tao. Madalas lamang magkulong si Maria sa kanyang kwarto.

Si Maria ay mayroong taniman ng mga bulaklak. Lahat ito ay magaganda at popular sa kanilang bayan.

Isang araw, ang kanilang lugar ay sinakop ng mga masasamang bandido. Ang bawat makasalubong ng mga ito ay kanilang pinapatay at ninanakawan ng mahahalagang bagay. Sa takot ng mga magulang ni Maria ay itinago sya ng mga ito sa ilalim ng tumpok ng halaman.

Nagtago din si Aling Iska at Mang Dondong sa loob ng kanilang bahay, ngunit ng walang ano ano”y bumukas ang kanilang pinto.

Si Mang Dondong ay napukpok sa ulo at agad nawalan ng malay. Nagtangka mang tumakas ay inabot din si Aling Iska ng mga bandido.

Ninakaw ng mga ito ang anumang mahahalagang gamit sa kanilang bahay.

Nang makaalis ang mga bandido at natauhan si Aling Iska at Mang Dondong ay agad nilang hinanap ang anak na si Maria.

Patakbong tinungo ng mag asawa ang tumpok ng halaman ngunit di na nila nahanap pa si Maria. Lubhang nalungkot ang mag-asawa.

Nang walang ano ano”y bigla na lamang may sumundot sa paa ni Mang Dondong.

“Anong kayang uri ng halaman ito? Ngayon pa lamang ako nakakita nito” saad ni Mang Dondong.

Tinignang mabuti ng mag-asawa ang halaman at doon nila napagtanto na ang halamang iyon ay walang iba kundi si Maria. Ginawa ng Dyos na maging halaman ang anak upang mailigtas sa kapahamakan.

Hindi tumigil sa pagluha si Aling Iska sa sinapit ng anak.

Ang bawat patak ng luha nito sa misteryosong halaman ay nagiging bilog at kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon, ang halamang yon ay tinawag nilang “Makahiya” na hango sa pagiging mahiyain ni Maria.

Buod ng Alamat ng Makahiya

Si Mang Dongdong at Aling Maria ay may isang natatanging anak: si Maria. Masunurin ito at napakaganda ngunit napakamahiyain nito. Madalas itong nagtatago at nagkukulong sa kwarto. Lumalabas lamang ito upang alagaan ang kanyang mga bulaklak at halaman na popular sa kanilang bayan.

Nagpatuloy ang kanilang buhay hanggang sa sinakop ng mga bandido ang kanilang bayan. Itinago nila si Maria sa halamanan upang hindi ito matunton at sila’y nagtago sa bahay. Nakita sila ng bandido at napukpok sa ulo. Pagkagising ay wala na ang kanilang mga gamit ngunit mas nagimbala sila sapagkat wala na si Maria sa halamanan.

Naging malungkot ang mag-asawa nang may matapakan silang isang kakaibang halaman. Tumitiklop ito pag nahahawakan, na para bang nahihiya. Umiyak sa lungkot ang mag-asawa nang magpagtanto nilang ang halaman ay si Maria. Ginawa itong halaman upang maligtas sa mga bandido. Tinawag itong makahiya bilang alaala ni Maria.

Aral ng Alamat ng Makahiya

Hindi masama ang maging mahiyain, ngunit kinakailangan ng lahat na makihalubilo sa mga tao upang lumaki. Huwag magnakaw at manakit ng tao.


Basahin ang iba pang mga alamat dito.

+1
1
+1
0
+1
2
+1
0
+1
2
+1
0
+1
1
Follow by Email