Ano ang Talumpati?

|

Ang talumpati o speech sa Ingles ay isang akdang pampanitikan kung saan pinababatid ng isang tao ang kanyang opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga tao sa entablado. Ito ay may layuning manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at maglahad ng isang paniniwala. Ang talumpati ay isa ring uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag ng isang paksa sa harap ng mga tagapakinig.

Mayroong anim na uri ang talumpati at ito ay ang mga sumusunod:

  1. Talumpating pampalibang – sa uring ito ng talumpati ay madalas na binibigkas ito matapos ang isang salu-salo. Nagpapatawa ang tagapagsalita sa pamamagitan ng maikling kwento o anekdota.
  2. Talumpating nagpapakilala – ito ay tinatawag ding panimulang talumpati kung saan layunin nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa kahusayan ng tagapagsalita. Ito rin ay maaaring pagpapakilala sa isang tao o ispiker sa mga tagapakinig.
  3. Talumpating pangkabatiran – kadalasang ginagamit ang uring ito sa kombensyon, panayam, at pagtitipon ng mga dalubhasa.
  4. Talumpating nagbibigay-galang – tinatawag din itong talumpati sa pagbati, pagtugon o pagtanggap. Ginagamit ito sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa mga panauhin, pagtanggap sa isang bagong kasapi o kasamahang mawawalay.
  5. Talumpating nagpaparangal – ito ay ginagamit tuwing nagbibigay ng parangal o puri sa isang tao.
  6. Talumpating pampasigla – kadalasang ginagamit ito upang pukawin ang damdamin ng isang tao o grupo tulad ng isang lider sa kanyang mga miyembro.

Mga halimbawa ng talumpati:

+1
1
+1
2
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email