Narito ang mga halimbawa ng talumpati tungkol sa kalikasan.
Isinasaad ng artikulo na ito kung tungkol saan ang mga halimbawa ng talumpati, ang mga aral, at mga matututunan dito
Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.
Muling Buhayin ang Kalikasan
- Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati
Higit na napatatawa ng mga mamamayan ang lahat dahil sa irony ng ating sitwasyon: hindi tayo mabubuhay kung wala ito ngunit tayo ang unang pumapatay nito. Kailangan natin ang oxygen, ang ozone layer, at likas na yaman upang mabuhay ngunit walang pakundangan ang paggamit at pagsunog natin ng plastik! Pinuputol natin ang mga kahoy na hindi ito pinapalitan at tinatapon natin ang basura kung saan saan. Ano bang ginagawa natin sa kalikasan?
Pinakikita ng talumpati ang kahalagahan ng kalikasan at ang importansya ng pagsagip nito. Pinakikita rin dito na hindi pa huli ang lahat.
KALIKASAN
- Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati
Kung titingnan natin ang mundo noo’y napakaganda nito: sariwa ang hangin, luntiang kapaligiran, bughaw na dagat, at malulusog na mga hayop. Ngunit kung titingnan ngayo’y iba na ito—madumi, halos wala nang kagubatan, kayumangging tubig, at extinct na mga hayop. Sino nga ba ang puno’t dulo nito? Tayo.
Idinidiin ng talumpati na kahit malaki nga ang kaibahan ng kalikasan noon at ngayo’y hindi pa huli para magbago at tumulong, kahit na ito’y simpleng reuse, reduce, recycle o pagbibisikleta man lamang.
Kalikasan: Pangalagaan at Ingatan
- Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati
Kung iisipin, hindi man kailan tayo nadehado ng kalikasan at bagkus ay nabigyan ng lahat ng ating pangangailangan. Ngunit bakit, kahit ibigay na ang lahat ay hindi pa rin tayo nakukuntento at mas sinisira pa rin natin ang paligid?
Pinapaalam ng may-akda na ang kalikasan ay hindi isang karapatan at bagkus ay isang pribiliheyo, kung kaya’t dapat itong pangalagaan.