Narito ang mga halimbawa ng talumpati tungkol sa kahirapan.
Isinasaad ng artikulo na ito kung tungkol saan ang mga halimbawa ng talumpati, ang mga aral, at mga matututunan dito
Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.
Ang Patuloy na Paglaganap ng Kahirapan sa Bansa
- Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati
Minsa’y napatatanong tayo sa ating mga sarili habang tumitingin sa balita: “Umunlad nga ang bansa, pero bakit andami pa ring mahihirap?” Sandamakmak ang mga pamilyang tumapak sa ibaba ng poverty line. Napakarami namang yamang likas ang Pilipinas—napakadaling maghanap ng mapagkakakitaan! Ngunit bakit hanggang ngayo’y walang indikasyon ng pagbabaho?
Ang talumpati ay naglalayong makapagbigay alam sa mga posibleng rason ng kahirapan at kung paano ito matutugunan.
Kahirapan Hamon sa Bawat Pilipino
- Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati
Isang indikasyon ng magandang administrasyon ay ang pagbaba ng mga pamilyang nakahanay sa poverty line. Sa SONA ng nga nagdaang mga pinuno’y naririnig natin ito palagi. Ngunit, tunay nga ba talagang lumiit ang bilang ng mga dukha?
Nais ng talumpati ang magbigay impormasyon sa tunay na status ng mga mahihirap. Totoo bang nakabangon ba talaga ito, o pinaliit lamang ang threshold ng kahirapan?
Buhay ng Mahirap
- Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati tungkol sa kahirapan
Paano nga ba matatawag na mahirap? Kung ang mga magulang mo’y mahirap? Hindi nagiging sapat ang iyong sweldo upang bumuhay ng isang pamilya? O ‘di kaya’y ang pagtanggap sa katotohanang mahirap ka lamang at hindi ka na uunlad?
Pinakikita ng talumpati na habang may kasalanan ang pamahalaan at ang lipunan, minsan, ang may pinakamalaking kasalanan ay ang hindi mo inaasahan: ang iyong sarili.