Talumpati tungkol sa kabataan

|

Narito ang mga halimbawa ng talumpati tungkol sa kabataan. Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.

Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong Panahon

  • Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati

Ano ang aral na matututunan sa talumpati na ito?

Nararanasan mo bang tumingin sa balita, sa lansangan, o kaya’y sa social media at napapaisip ang salitang “sayang”? Nilalamon na ang mga nakatatandang henerasyon sa pagiging “rebelde”, matigas ang ulo, o kahit na anong indikasyon ng kasamaan. Ngunit, hindi ba kailan man naisip ng mga nakatatanda kung bakit ganoon ang paglaki ng kabataan? Hindi ba kailan ma’y naisip ng matatanda na ang kabataa’y may pagmamahal at pagpapagalaga rin sa bayan at kinabukasan?

Ang talumpati’y isinulat upang linawin ang damdamin ng nakararaming kabataan. Hindi kailan man masusukat sa konting panahon ng pagmamatigas ulo ng isang bata ang kanyang mga pangarap at adhikain sa buhay.


Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ano ang aral na matututunan sa talumpati na ito?

Hindi na bago sa lipunan ang palaging paghahambing ng mga nakatatanda sa kabataan sa panahon noon at ngayon. Ang ideya ng mga kabataan noo’y sobrang magalang, masunurin, mabait, magalang, at sumusunod palagi. Ngayon nama’y lumalakas na ang kagustuhang mangatwiran buhat ng makabagong panahon, at masinop sa panlabas na anyo at sa mga kagamitan. Ang tanong, may dapat bang mas kinikilingang kabataan?

Ang talumpati’y ginawa upang ipahayag sa mga mambabasa na walang pinagkaiba ang mga kabataan sa kanilang mithiin at mga pangarap, at ang tanging pinagkaiba lang ay ang panahon.

Tugon ng mga kabataan sa isyu ng lipunan

Habang ang lipunan ay umuunlad, talamak naman ito sa mga isyung napakahirap bigyan ng solusyon. Hindi madaling magagamot ang kahirapan. Mas lalong mahirap remedyuhan ang mga tiwaling opisyal sa pamahalaan.

Layunin ng talumpati na ipakita ang tugon ng mga kabataan sa isyu at kung paano, para sa kanila, ay magagamot ito.

+1
0
+1
2
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email