Halimbawa ng Talumpati

Nikki

Talumpati tungkol sa droga

talumpati tungkol sa droga

Narito ang mga halimbawa ng talumpati tungkol sa droga.

Isinasaad ng artikulo na ito kung tungkol saan ang mga halimbawa ng talumpati, ang mga aral, at mga matututunan dito

Kung may komento o katanungan, maaari mong i-komento sa ibaba.

Walang Kinabukasan

  • Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati

Ang Pilipinas ay tunay ngang umuunlad ngunit sa pag-unlad namang ito ay dumarami rin ang kaso ng droga at ang mga masamang dulot nito. Tinatalakay ng talumpati ang nangyayari sa lipunang talamak ang isyu ng droga at ang mga sakit nakaakibat nito. 

Pinakikita nito na ang droga’y hindi lamang madaling pambansang suliranin: ito’y suliranin sa personal na lebel dahil ang dulot ng droga ay naramdaman, nararamdaman, at mararamdaman ng lahat.

DROGA

  • Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati

Ang talumpating ‘DROGA’ ay tungkol sa mga kabataang natamaan ng adiksyon ng droga at kung gaano ito kalungkot para sa kaniyang pamilya at sa bayan. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit pag-asa ba ang matirik at mapula pulang mata? Ang tila lasing at pakendeng kendeng na paglakad? 

Mababasa sa talumpati ang paghihinagpis ng bayan at ang mga dapat gawin upang maibsan ang laganap na droga. 

Droga: Ang Ipinagbabawal na Gamot

  • Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng talumpati

Tunay nga na ang droga ay pinagbabawal. Nalalagot sa batas, kinatakutan, at kinahihiya ang mga ‘adik’, ngunit bakit ninanais pa rin ng mga ito na marating ang ‘rurok’ ng langit? Handa ba talaga ang isang tao na sirain ang kanyang kinabukasan para sa panandaliang sarap?

Hinihikayat ng talumpati ang lahat na lumayo sa temptasyon ng droga at sa mga ‘adik’ na iwasan na ito. Tutal, habang nadarama ang langit ng panandalian, impyerno naman ang haharap na kapalaran sa kinabukasan.

+1
2
+1
2
+1
2
+1
1
+1
0
+1
0
+1
0