Ang talambuhay o biography ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.
Ang pagsulat ng isang talambuhay ay may dalawang paraan: maaari itong tungkol sa ibang tao o kaya sa manunulat mismo.
Mayroon ding tinatawag na talambuhay na karaniwan at talamabuhay na di-karaniwan.
Talambuhay na Karaniwan
Ito ay naglalahad ng buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Dito makikita ang detalye tulad ng mga sumusunod:
a. kanyang mga pamilya
b. kapanganakan
c. pag-aaral
d. karangalang natamo
e. mga naging tungkulin at nagawa
f. iba pang mga bagay tungkol sa kanya
Talambuhay na Di-Karaniwan
Hindi gaanong binibigyan ng pansin dito ang mga mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito ay may kaugnayan sa simula ng paksa. Sa halip ay binibigyang diin dito ang mga:
a. layunin
b. prinsipyo
c. paninindigan ng isang tao
d. kung paano nauugnay ang mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan