Alamat ng Mindanao
Mayroon isang sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Mayroon siyang natatanging anak na may nakakaakit na kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. ...