Slogan tungkol sa wika

|

Basahin ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa wika sa ibaba. Isinulat din namin ang aming masasabi sa bawat slogan.

May dugo kang Filipino, kung isinasapuso mo ang Wikang Filipino

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Sino nga naman ang tatangkilik sa wikang sumisimbolo ng daan daang taong kasaysayan at kultura ng iyong nasyonalidad kung hindi ikaw mismo?

Ang wikang Filipino ang lengguwaheng sumasalamin sa ating pagkakakilanlan at ang paglingon nito’y pagtanggi saiyong pagiging Pilipino kung kaya’t dapat ay isaisip at isapuso ng bawat mamamayan ang lengguwaheng umusbong sa dugo at buhay ng ating mga ninuno.

Gamitin, Linangin, at Ipagmalaki ang Wika Natin 

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Hindi na sikreto ang isang wika ay namamatay kapag ito ay hindi ginagamit: ang kaluluwa ng wika ay matatagpuan sa mga tagapagsalita nito. Bilang isang Pilipino, obligasyon natin na buhayin at pagyamanin ang pambansang wika ng Pilipinas, na nagsisilbing representasyon ng kalayaan at soberanyang ating bansa.

Ang bansang nagkakaisa, Wika ang kumukumpirma

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Pinapahiwatig ng slogan na ang bansang may pagmamahal sa wikang pambansa ng kanilang bayan ay ang bansang may pagmamahal sa kanilang bayan, at may kamalayan sa kultura’t kasaysayan. Sa kamalayang ito ay napapahalagahan ng bawat Pilipino ang mga pagsisikap na iginawad ng kanilang mga ninuno upang mapalaya ang Pilipinas, kung kaya’t magkakaisa ang mga mamamayan nito na ipagtanggol at mahalin ang bayang kanilang tinitirhan.


Ano ang iyong masasabi? I-komento ito sa ibaba.

Kung nais mong magsumite ng sarili mong slogan tungkol sa wika, maaari mo itong ipasa sa amin dito.

+1
5
+1
0
+1
1
+1
0
+1
1
+1
0
+1
0

Leave a Comment

Follow by Email