Slogan tungkol sa kalikasan

|

Basahin ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa kalikasan sa ibaba. Isinulat din namin ang aming masasabi sa bawat slogan.

Pangalagaan ang Kalikasan Para sa ikabubuti ng Kabataan

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Nais ipahayag ng slogan ang mensaheng ang kalikasan ay hindi isang karapatan, bagkus ay isang pribiliheyo na dapat ay alagaan ng lahat upang mas matamasa nang matagal.

Kung hind ito aalagaan ng mabuti’y may napakalaking posibilidad na ito’y masisira na nang lubusan, at magreresulta ng mapait na karanasan sa mga kabataang darating.

Iba kung magalit si Inang Kalikasan, idadaan na lang Niya sa luha ng ulan, na babaha at tatangay sa buhay ng sangkatauhan

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Binabalaan ng slogan ang mga mamamayan na ang galit ng kalikasan ay hindi kaagad na dumarating, bagkus ay nagpapatong patong bilang isang sakuna, lalong lalo na ang baha.

Dahil nga ito’y hindi palagi, ang tindi ng pagkakapatong ng bawat sakuna ay isang bagay walang dudang makapipinsala sa tao nang napakalaki.

Bayan ay bigyang pansin, basurang itinapon iyong damputin.

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Ang basura ay tunay ngang nakapipinsala hindi lamang sa mga tao’t hayop kundi pati na rin sa bayan, sapagkat ang mga aksyong gagawin ng mga taong nakapaloob dito’y sinasalamin ng bayan.

Sa bawat basurang hindi pinupulot ay may katumbas na parusang ang bayan din naman ang magbabayad. Layunin ng slogan na ipahatid ang mensaheng ito. 


Ano ang iyong masasabi? I-komento ito sa ibaba.

Kung nais mong magsumite ng sarili mong slogan tungkol sa wika, maaari mo itong ipasa sa amin dito.

+1
11
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
3
Follow by Email