Ang sawikain o idiom ay isang salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng talinhaga. Ito ay nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang kaganapan o sitwasyon, bagay, o pangyayari at kusang nabuo at nalinang sa ating wika.
Ginagamit din ang sawikain sa tuwing nagnanais ang isang indibidwal na magpahayag ng kanyang damdamin at ideya.
Mga halimbawa ng sawikain:
Sawikain | Ibig sabihin |
makapal ang bulsa | maraming pera |
di makabasag pinggan | mahinhin |
anak-dalita | mahirap |
makati ang paa | mahilig sa gala o lakad |
saling-pusa | pansamantalang kasali sa laro o trabaho |
takaw-tulog | mahilig matulog |
mahapdi ang bituka | nagugutom |
dalawa ang bibig | mabunganga o madaldal |
makapal ang mukha | hindi marunong mahiya |
nagbibilang ng poste | walang trabaho |
+1
4
+1
+1
+1
+1
+1
+1