Ang sanaysay o essay ay isang akdang nagpapahayag ng pananaw ng manunulat. Ito ay maaaring magkaroon ng mga elemento tulad ng opinyon, kuru-kuro, pagpuna, impormasyon, obserbasyon, ala-ala at pagmumuni-muni ng isang tao.
Kapag naririnig natin ang salitang sanaysay, madalas na naisip natin ito bilang isang akda na naglalaman ng mga kaisipan, opinyon, at damdamin ng may-akda. Ito ay isang uri ng komposisyon na maaaring pormal o di-pormal.
Mayroong dalawang uri ng sanaysay at ito ang mga sumusunod:
- Pormal – ito ay ang uri ng sanaysay kung saan tinatalakay nito ang mga seryosong paksa at nangangailangan ng malalim na pang-unawa at masusing pag-aaral.
- Di-pormal – ito naman ang uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga magaan, pangkaraniwan, at pang-araw-araw na paksa.
Bahagi ng Sanaysay
Ang bawat sanaysay ay may mga bahagi na mahalaga sa pagkabuo nito. Una, ang panimula na nagbibigay ng ideya o konteksto ng paksang tinatalakay. Sa katawan ng sanaysay, dito nakapaloob ang pangunahing ideya at mga mahahalagang kaisipan o kaalaman. Hinihimay rito ang mga punto sa isang organisadong paraan upang maipaliwanag nang husto ang paksa. Ang huling bahagi ay ang wakas, na naglalagom ng mga pangunahing punto at nag-iiwan ng kaisipang waglit sa mambabasa.
Ang Kahalagahan ng Sanaysay
Ang sanaysay ay higit pa sa paglalatag ng impormasyon. Ito ay isang paraan upang ipahayag ang damdamin at kuro-kuro ng isang tao hinggil sa iba’t ibang paksa. Ito ay nagiging tulay ng komunikasyon sa pagitan ng may-akda at ng kanyang mga mambabasa. Sa tulong ng sanaysay, naibabahagi ng may-akda ang kanyang pananaw at karanasan sa mundo.
Paglikha ng Makabuluhang Sanaysay
- Pagpili ng Paksa: Mahalaga ang angkop na pagpili ng paksa. Dapat itong makatawag-pansin at makabuluhan. Isaalang-alang ang interes ng mambabasa at ang kahalagahan ng paksa sa lipunan.
- Pagsasaliksik: Para sa pormal na sanaysay, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon at datos. Ito ay makatutulong sa pagbibigay ng kredibilidad sa mga pahayag ng may-akda.
- Organisasyon: Ang mahusay na pagkakaayos ng ideya ay susi sa isang epektibong sanaysay. Gumamit ng malinaw na istruktura upang masundan ng mambabasa ang daloy ng kaisipan.
- Wika at Estilo: Ang pagpili ng tamang wika at estilo ay kritikal. Isaalang-alang ang antas ng wika na angkop sa uri ng sanaysay na isinulat. Ang tono ng sanaysay ay dapat na sumasalamin sa layunin ng may-akda, maging ito man ay seryoso o magaan.
Mga Halimbawa ng Sanaysay
Maraming halimbawa ng sanaysay ang makikita natin sa paligid. Ang mga editorial sa pahayagan ay isang uri ng pormal na sanaysay na naglalaman ng opinyon ng editor tungkol sa isang isyu. Samantala, ang mga personal na blog ay halimbawa ng di-pormal na sanaysay kung saan ipinapahayag ng mga tao ang kanilang saloobin at karanasan.
Makikita rin ang mga sanaysay sa larangan ng edukasyon kung saan ito ay ginagamit bilang isang paraan ng pagsusuri sa pag-unawa ng mga estudyante sa iba’t ibang paksa. Sa wakas, kahit sa simpleng usapan o kwento sa pamilya at mga kaibigan, di natin namamalayan, gumagawa na tayo ng di-pormal na sanaysay.
Sanaysay tungkol sa kalikasan
“Global Warming sa Pilipinas” mula sa sanaysay-filipino
Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.
Mula sa: sanaysay-filipino
Tunay na Kaibigan mula kay Santiago’s Gazette
Masarap mabuhay ng maraming kaibigan. Iba’t ibang ugali ang ating masusumpungan. Pero iba pa rin talaga kapag tunay na kaibigan o di kaya’y matalik na kaibigan. Minsan may mga bagay na hindi mapagkasunduan pero hindi pa rin matatawaran ang sayang nadarama ng isang tunay na pagpapahalaga. Maraming pagkakaiba, maraming pagkakaparehas ngunit ang pinakamasaya dito ay ang pagiging totoo ng bawat isa. Minsan, may mga panahon na nagkakaroon ng problema ang ating mga kaibigan subalit ang kasiyahan pa rin ang namumutawi sa kanilang mga labi. Masaya at magaan sa pakiramdam kapag nakakatulong tayong masolusyonan ang kanyang problema. Siguro, dahil ayaw nating nakikitang malungkot siya. Dumadating pa nga sa punto na kayo na ang nag aaway sapagkat nangingibabaw pa rin talaga ang pagmamahal at pagsasamahan ninyong magkakaibigan. Ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay parang pagkakaroon ng sariling kapatid. Dahil may kasama ka sa lahat ng bagay. Minsan pa kung umasta ay parang nanay kung magalit. At higit sa lahat, ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay isang masayang bahagi ng buhay dahil palagi kang may kausap, pinagsasabihan ng mga sikreto at handang ipagtanggol ang kanyang kaibigan at higit sa lahat naipapakita mo kung sino ka talaga sa harap nila at ang mahalaga ay totoo kayo sa isat isa.
Sanaysay tungkol sa pamilya
“Ang aking pamilya” by allanjake
Sa aking pamilya, ako ay kuntento na at masaya, sapagkat ang aking mama at papa ay mabait sa akin at laging nandyan tuwing kailangan ko sila. Sila ang nagtiyaga na ako ay alagaan tuwing ako ay may sakit, sila ang nagtiyagang palitan ang aking lampin sa mga oras na ito’y basa na, sila ang nagtiyagang palitan ang aking pampers, sila ang nagtiyagang palakihin ako ng maayos at pag-aralin ng elementarya, sekondarya at ngayon ay isa na akong kolehiyo ay nandyan parin sila upang ako ay patuloy na makapag-aral.
Si Ma. Rowena S. Agoyaoy ang aking mama ay ipinanganak noong ika-4 ng hulyo taong 1973. Isang mabuting ina at kapatid. Siya ay nagtratrabaho sa Cyprus bilang isang domestic helper. Panganay siya sa limang magkakapatid. Si Diosdado C. Agoyaoy naman ang aking papa ipinanganak siya noong ika-3 ng oktubre taong 1967. Isa siyang magsasaka at pinagmamalaki ko iyon. Pang apat siya sa 6 na magkakapatid. Nagpapasalamat ako dahil sila ang aking naging mga magulang, kahit na naging istrikto sila sa akin, ay maayos nila akong pinalaki at dinisiplina. Sa bawat palo na aking natatanggap ay alam kong may dahilan sila kung bakit nila ako pinapalo sa aking mga pagkakamali. Nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon ay patuloy parin nila akong pinag-aaral.
Sa tatlo nilang anak ako ang panganay, na sinusundan ni Dianne S. Agoyaoy na ipinanganak noong ika-14 na agosto taong 1996. Siya ay kasalukuyang mag-aaral sa Cuyapo National Highschool, at asa ikatlong 3 na. sinusundan naman siya ni Redden S. Agoyaoy na ipinanganak noong ika-12 ng nobyembre taong 1999. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Bentigan Elementary School, at asa ika anim nang baitang.
anong pagkaibahan ng modernisasyon sanaysay at tradisyonal sanaysay please answer…