Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

|

Basahin ang mga halimbawa ng sanaysay sa ibaba. Isinulat din namin ang aming masasabi sa bawat sanaysay.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Pinakikita ng sanaysay ang edukasyon at ang mga asignaturang tinuturo nito bilang isa sa mga diyamante ng magandang kinabukasan. Mahihinuha rito na ang edukasyon ay hindi dapat na sukuan: ang mga asignaturang Liknayan, Kapnayan, at Sipnayan ay palaging kinagagalitan ng lahat ngunit ang mga ito’y ginagamit at pinagababasehan ng ating pagkabuhay.

Sa pagdadagdag, ang tagumpay na nakukuha sa mga asignaturang ito ay nakakamit lamang ng mga nakapagtapos at hindi sumuko sa pag-aaral.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon sa Kabataan

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Ang kabataan ay isang itinanim na binhi: kung ito’y pagtitiyagaan ay lalago at hindi na kailanman mahihiwalay sa kanyang pundasyon. Ang kabataa’y tunay na ginto ng isang lipunan, sapagkat ang kanilang talino’t kayabungan ay napakalaki. Nais ipakita ng sanaysay na habang ang edukasyon ang pundasyong magbibigay ng siguradong pundasyon sa paglaki, hindi lahat ng kabataan ay napagtatanto ang kahalagahan nito.

Nais ipagpaalam ng may-akda na hindi lang isang mahirap na bagay ang edukasyon na magreresulta ng walang kabuluhang mga bagay: ito’y isang mahirap na pagsubok na lubusang makatutulong sa lipunan sa panahong mapagtatagumpayan ito ng kabataan.

K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas

Pindutin ang titulo sa itaas upang mabasa ang halimbawa ng sanaysay. Nasa ibaba ang aming komento ukol dito.

Kamakailan lamang nang ipatupad ng pamahalaan ang K+12 na patakaran sa pag-aaral. Ang rason ng pamahalaan ay sa pagkakatatag ng dagdag na dalawang baitang sa sekondarya at hindi pagtanggap ng mga bata sa unang grado kapag hindi pa nakapagkindergarten ay makapapainam sa edukasyon at sa kamulatan ng mga mag-aaral.

Ang Pilipinas na lang kasi ang natitirang bansang may napakaliit na taon sa Basic Education System.

Ang tanong, matalino nga ba ang desisyong ito?


Ano ang iyong masasabi? I-komento ito sa ibaba.

Kung nais mong magsumite ng sarili mong sanaysay tungkol sa edukasyon, maaari mo itong ipasa sa amin dito.

+1
2
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Follow by Email