Panuto A: Punan ng ako, ikaw, o siya ang patlang.
- Ang kaibigan kong si Matty ay mas matangkad sa akin. _________________ ang pinakamatangkad sa buong magkakaibigan.
- Sinabi ng guro ko na _________________ ang napiling lumahok sa aming klase na lumaban sa Quiz Bee.
- Sabi ni nanay na_________________ ang magtatapon ng basura mamaya. Ako naman ang pinaghuhugas nya ng mga pinggan.
- Pupunta _________________ ng SM ngayon. Mamimili kami ng kaibigan ko ng pangregalo para sa kaarawan ni nanay.
- _________________ ang bago mong makakasama sa trabaho, Milla. Ikaw na ang bahalang magsabi ng mga kailangan niyang gawin.
- Bakit hindi ka pa uuwi? _________________ ba ang maglilinis ng silid-aralan ngayon?
Panuto B: Punan ng sila, kami, kayo, o tayo ang patlang.
- _________________ ng tita mo ang makakasama ninyo sa kuwarto. Dalhin niyo na ang inyong mga bag at iiwan na doon.
- Magkasama _________________ ni Totoy pumasok sa paaralan kanina. Hindi ko alam kung sasabay din siya sa akin pauwi.
- _________________ na lang ng papa mo ang sumundo kay Abby sa airport. Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakasama.
- Si tatay ang magluluto ng hapunan habang _________________ naman nila ate at kuya ang pinapabili niya ng mga sangkap.
+1
1
+1
2
+1
+1
+1
+1
+1
1